CHAPTER 2

2.7K 95 4
                                    

MATAGAL nang wala si Dylan pero nag-eecho pa rin sa isip ni Mara ang sinabi nito.

"Mara, will you open your heart for me this time around?"

Napakasimple lang naman kung tutuusin ng hinihingi nito pero hindi niya alam kung bakit natigilan siya nang sabihin nito iyon. She knew in her heart that it was time. It's not as if she was waiting for someone.

"I won't leave you, Mara. Palagi akong nandito sa tabi mo."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Naalala niya ang gabing iyon na parang nangyari lang iyon nang nagdaang araw. Nakatukod sila ni Icko sa railings ng Caramello habang nag-uusap sa mangyayari sa hinaharap. Maraming beses sa mga panaginip niya ay nakikita niya ang eksenang iyon. Because it signaled the start of the person she was to become—Chef Mariana Benitez, one of Amore's famous protégées. Nasa rurok na siya ng mga pangarap niya.

Wala na dapat kulang sa kanya. Pero heto siya, tatlong gabi nang hindi makatulog nang maayos dahil lang nangangamba siya sa muling pagbabalik niya sa Pilipinas. Ito ang unang beses na tutuntong siya sa bansa niya pagkalipas ng maraming taon. Magkahalong excitement at pangamba ang nararamdaman niya. Alam niyang dahil iyon sa posibilidad na makita uli niya si Icko.

Mula nang umalis siya noon ay hindi na sila nagkita o nagkausap. Hindi naman sa hindi niya ginusto. Sa mga unang buwan na nasa Paris siya ay hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang nagpadala ng e-mails dito pero wala siyang natanggap na sagot mula rito. She figured that he probably was too busy with his life now. Ang sabi ni Dylan, bukod sa TGF ay busy rin daw ito sa kasintahan nito. Nang malaman niya iyon ay parang natanggap na niya kung bakit wala na siyang narinig mula rito.

Sinikap niyang mag-move on. Hindi titigil sa pag-ikot ang mundo kahit pa gaano karaming luha ang iiyak niya. The one thing she learned in her years of staying in Paris was that life goes on even if there was pain in the heart.

She'd like to think that she was a better person now. Marami na rin siyang napatunayan para sa sarili niya. Nang makuha niya ang diploma sa Le Cordon Bleu ay sunod-sunod na offer ang natanggap niya mula sa mga kilalang restaurant sa Paris. Sa huli ay nagturo na lang siya bilang assistant professor. Naniniwala kasi siyang marami pa siyang dapat matutuhan sa eskuwelahan. And with that, life went by fast for her.

Naalala niya ang sinabi ni Amore sa kanya noong nag-aaral pa siya:

"When people get their heart broken, they try different things to cope up with the pain. Some of them write songs. Some dance on stage. Some even find another one to love. But us? We put that love inside the flour, and when people eat our food, they take a little piece of that love in. And someday, we hope it reaches the person, too."

Iyon ang ginawa niya. Nag-aral siyang mabuti. Tinupad niya ang lahat ng pangarap niya at ng kanyang ama. Tinupad din niya ang pangarap ni Icko para sa kanya.

Tama si Dylan. Maybe it really was time to move on. Isa pa, ano pa ba ang hahanapin niya rito? Sa katunayan, mas matagal pa ang panahong magkasama sila kaysa sa panahong magkasama sila ni Icko. Siguro, tama nga ang marami. Na may ipinapadalang tao sa buhay ng isa para baguhin ang buhay nito. Icko's purpose in her life was to give her the necessary push to the fulfillment of her dreams. Hanggang doon na lang siguro iyon.

Tumayo siya nang ma-realize na hindi na siya makakatulog kaagad-agad. Napatingin siya sa labas ng bintana. She saw the faint gleam of a familiar light—ang ilaw sa tuktok ng Eiffel Tower. Katulad ng dati, kapag nakikita niya iyon ay hindi niya maiwasang ipikit ang mga mata.

"Your very own wishing star..."

She wished that she would have the strength she needed to survive her few days stay in the Philippines.

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now