CHAPTER 5

2.5K 97 1
                                    

HINDI pa rin makapaniwala si Mara na nasa loob ng apartment niya si Icko nang mga sandaling iyon. Alam niyang darating din talaga ang araw na ito. But she hadn't expected to see him on her first day in the country. Sa pagkakaalam kasi niya ay busy ito sa nalalapit na Food Expo.

"Hindi ko alam na close na close na pala kayo ni Pangulo," puna niya.

Nalaman niya na tinawagan ito ni Mang Pilo dahil may sorpresa raw ito. It turned out that during these years that she had been away, Mang Pilo and Icko had developed a sort of fatherly bond.

Ngumiti ito. "Kapag name-miss ka niya, hinahanap ako n'on. I thought this was one of those cases. Little did I know..."

His voice trailed off as he surveyed her from head to toe. Ginawa na rin iyon ni Mang Pilo sa kanya pero bigla siyang na-concious nang si Icko naman ang gumawa niyon. Pakiramdam niya ay bumalik na naman siya sa dating insecure na Mara.

His eyes twinkled as he smiled. "Tu es belle."

Her heart jumped a bit as she laughed slightly. "Merci Beaucoup. And your French is awful."

Natawa ito nang malakas. "But really, you're just beautiful..." Inilibot nito ang tingin sa apartment niya. Nahagip ng mata nito ang mga inilagay niyang litrato sa divider. Iyon ang mga litratong kuha sa kanya habang nag-aaral pa siya. "And amazing. I've always known you were gonna make it this far."

Lumobo ang puso niya sa sincerity sa tinig nito. Tama siya, walang gaanong nagbago rito. His words alone were enough gratification for her.

Nakita niya ang biglang pagkunot ng noo nito sa isang litrato. "Kasama mo si Dylan no'ng nag-graduate ka?"

Natawa siya nang maalala iyon. "Nagka-speeding violation pa siya noon sa pagmamadaling pumunta sa Auditorium Paris Centre. He was escorted by the French police while waving at me."

Itinuro nito ang isang litrato nila ni Dylan. Nasa loob iyon ng kusina ng Le Cordon Bleu. May hawak silang dalawa na malaking wedding cake at parehong punong-puno ng harina ang mga mukha nila.

"When was this picture taken?"

"No'ng anniversary ng school. Dylan was invited since the staff knew him. Malimit kasi 'yang mag-bench-marking sa Paris at ginugulo ang kusina namin."

"You and Dylan sure had several memories together. Samantalang tayo, wala man lang tayong litratong dalawa na magkasama."

Nagulat siya sa remorse sa tinig nito. He looked at her and smiled a little sadly. Pagkatapos ay tumikhim ito.

"Gaano ka katagal dito?"

"Pagkatapos ng Food Expo, siguro babalik na ako sa Paris. Hindi ako puwedeng magtagal dito, eh."

"I guess that comes with being Amore's famous protégée, huh? Being quite busy, I mean. Hindi ka nakakapagbakasyon dito, eh."

Nalukot ang ilong niya. Kung gusto niya ay magagawan naman niya ng paraan. Pero pinili niyang hindi muna umuwi sa Pilipinas. "Ikaw rin siguro, sobrang busy. With the company and all." Tumikhim siya. "B-by the way, kumusta si Miss R-Rachel?"

"Fine. As always," matipid na sagot nito.

Sa tono ng boses nito ay parang hindi nito gustong pag-usapan ang kasintahan nito. And frankly, she didn't know why she had to ask. Ano ba ang inaasahan niyang isagot nito? Na hiwalay na ang mga ito? Dream on, Mara...

"Na-miss kita, Mara," sabi ni Icko, dahilan para mapakurap-kurap siya sa harap nito. "Sa nakalipas na maraming taon ay hindi ilang beses na naiisip kita. And I'm sorry I wasn't able to bid you good-bye back then. It was the only thing I'm regretting all these years."

Umiling siya. "Hindi ka dapat mag-'sorry' sa akin. Everything I am right now, it was all because you believed in me."

Tinawid nito ang distansiya nilang dalawa at niyakap siya. Kahit nagulat siya ay isinandig niya ang ulo sa dibdib ni Icko. It felt good to be inside his arms once again. So good she wondered how she was able to survive all these years without his embrace.

"Thank you, Icko," sabi niya sa pagitan ng pagyakap nito.

"Kung gusto mo talagang mag-'thank you,' bigyan mo ako ng bagong recipe. We might need it to win the Food Expo."

Kahit paano ay natawa siya. Naramdaman niya nang halikan nito ang noo niya.

"I'm glad you're here now," bulong nito sa kanya.

I missed you, too.

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now