CHAPTER 14

2.8K 92 3
                                    

NAPANGITI si Mara nang makita ang mga taong nasa labas ng SMX Convention nang araw na iyon. Ang ilan sa mga iyon ay halatang kinakabahan sa Annual Food Expo. Parang kailan lang nang siya naman ang nakatayo roon habang kinabukasan niya ang nakataya.

"Chef Benitez!"

Napatingin si Mara sa grupo ng mga lalaking lumapit sa kanya. Namumukhaan niya ang dalawa sa mga iyon pero hindi niya matandaan. Nahalata yata ng mga ito ang pag-aalinlangan niya. Nagtawanan ang mga ito.

"Raul Aguilar, Chef," sabi ng isa. "During the Annual Food Expo three years ago, I was one of the delegates."

"Oh, I'm sorry. Siguro, kinakabahan ako noon kaya wala akong natatandaan."

"I figured," good-natured na sabi nito. "Congratulations nga pala. You've certainly come this far. The Don must be proud."

Ngumiti siya. "Thank you."

"We look forward to your opening speech. See you in a while."

Nang makaalis ang mga ito ay naglibot-libot siya. Ang sabi ni Dylan ay hintayin na lang daw siya nito roon. Sa paglilibot-libot niya sa mga booth ay pinag-aaralan din niya ang mga possible ingredient ng mga desserts na naroon. Malimit niyang ginagawa iyon sa mga food expo sa Paris. Pagkatapos ay susubukan niyang gayahin ang dessert.

Sa paglilibot niya ay nakarating siya sa booth ng TGF. Nakita niya ang Kismet sa isang tabi. Doon nag-umpisa ang lahat sa buhay niya—her life, her career...

Icko... Remembering his name was like stabbing a knife in her heart.

Hinanap niya ang entry ng TGF. Sa bandang kanan ay nakita niya ang isang mini-cake na puti. Vanilla, she thought.

Sa labas ay kulay-puti lang iyon, mukhang ordinaryo lang kung itatabi sa makukulay na mini-cakes sa loob ng exhibit. But to an expert's eye, there was nothing ordinary about the way the vanilla icing was carefully glazed atop the chiffon cake. Makintab ang icing at kahit siya ay alam na mahirap iyong gawin.

May sample slice ang mini-cake. Inside, the cake was comprised of eight different layers of vanilla—vanilla crème Chantilly, vanilla ganache, vanilla brulee, vanilla water gel, toasted vanilla brulee, vanilla chiffon, vanilla dacquoise and vanilla macaron.

Napangiti siya nang makilala ang mga iyon. Even without tasting it, she was sure the dessert was a winner.

"What's the concept for this dessert ?" tanong niya sa isang representative.

Nang marahil ay makilala siya nito ay napangiti ito.

"This is what we call "the hidden treasure,'" sabi nito. "It looks ordinary on the outside. Hindi masyadong mapapansin kapag hindi sinubukan."

"But it's wonderful on the inside." Tinitingnan pa lang niya ang elaboration ng mga ingredients ay humahanga na siya.

"Our boss said that people are like that. Malimit daw, tumitingin tayo sa panlabas na hitsura ng tao kaya hindi natin nakikita 'yong dapat makita. He said that when we look deep into the person, we would see beautiful things we wouldn't have known. This is actually the boss' idea. The chefs executed it."

"Magaling ka..." Iyon ang sinabi ni Icko noong una niyang nakilala ito. The only person who believed in her when she was nothing but a hopeless office girl. Ang taong dahilan kung bakit nakamit niya ang lahat ng mga pinangarap niya.

Sumagap siya ng hangin. They had already said their good-byes. Noong isang araw pa iyon at ilang araw na rin niyang iniiyak iyon. Noon at ngayon, hindi ito magiging kanya. Kailangan na lang niya iyong tanggapin.

"Ano'ng pangalan ng dessert na ito?"

The woman smiled knowingly. '"Mara.'"

She was speechless. Sa pagkakataong iyon ay may narinig siyang tumawag sa pangalan niya.

"Kanina pa kita hinahanap," ani Dylan. "There's someone here who wanted to talk with you."

"Sino?"

May tumabi kay Dylan na magandang babae. Bumilis ang tibok ng puso niya. Tama siya. Rachel was still undeniably gorgeous even after all these years. The only woman Icko will ever look at...

"Puwede ba kitang makausap, Mara?"

Tumingin siya kay Dylan na wari ay dito kumukuha ng pahintulot. He gave her an encouraging smile. Tumango na rin siya kay Rachel.

"May malapit na coffee shop dito."

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin