CHAPTER 15

2.6K 99 1
                                    

BUONG araw na wala sa sarili si Mara. Para siyang nasa auto-pilot mode. Hinihingi ng lahat ang opinyon niya tungkol sa ilo-launch na mga bagong baked desserts na isasama sa Kismet. Naging busy ang lahat dahil na rin sa maraming requests para sa supplies nila lalo pa nang manalo sila sa Annual Food Expo.

"My son is right about you, Miss Benitez," natatandaang sabi ni Don sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya ang magandang ngiti nito. "Thank you for your hard work."

"The pleasure is mine, Sir," nahihiyang sagot niya rito.

Dapat ay masaya na siya lalo pa at may recognition na siya sa opisina. Ang sabi nina Rika, usap-usapan daw ang pag-promote sa kanya sa opisina although wala pang binabanggit sa kanya si Chef Adrien. Pero base sa mga parinig nito, mukhang may niluluto ito para sa kanya.

Dad, malapit ko na hong matupad ang pangarap n'yo para sa akin. Dapat na ho akong maging masaya rito, 'di ba?

Bumuntong-hininga siya. Tama. Kalabisan naman kung lahat ng magagandang bagay sa mundo ay mapapasakanya pa.

"Mara, tawag ka ni Sir Icko," nakasimangot na sabi ni Paula. Inirapan pa siya nito bago bumalik sa inaasikasong trabaho.

Pumitlag ang puso niya kasabay ng pagngiwi. Mukhang wala na siyang ligtas sa pagkakataong ito. Sinilip niya si Icko na nakatayo sa labas ng opisina. Nakatingin ito sa kanya. Palagi itong tumitingin sa kanya pero kapag naaalala niya ang halik na iginawad nito sa kanya, parang gusto niyang matunaw na tulad sa isang chocolate mousse na babad sa araw.

Then he crooked a finger, obviously telling her to come to him at once. Nahugot niya ang hininga dahil alam niyang kahit kailan ay hindi siya makakahindi rito. Lord, bakit Nyo naman po ako pinapahirapan ng ganito?

Lumapit siya sa kabila ng mga bulung-bulungan ng mga officemates niya. She faltered a bit under Icko's scrutinizing gaze.

"Follow me," maawtoridad na utos nito.

Sinundan niya ito hanggang sa rooftop ng building. Kahit gusto niyang magtanong ay tahimik lang siyang nakamasid kay Icko na nakatalikod. Kapagkuwan ay humarap ito sa kanya.

"Huminga ka nang maayos. Para kang magpa-panic attack kanina pang umaga," sabi agad nito.

Nye! Buking na agad siya. Pero hindi pa rin siya umimik. Mataman siyaang tiningnan nito.

"Kanina pa kita hinahanap pero ang hirap mong hagilapin. Iniiwasan mo ba ako?"

Umiling-iling siya. Kaagad siyang humakbang ng isa nang mapagtantong ang lapit lapit nito sa kanya. The urge to fling her arms around him was too strong to handle. Maghunusdili ka, Mara. He's still your boss!

Sa pagkaisip niyon ay pinatigas niya ang loob niya. "Hindi naman po, Sir Icko."

"Sir Icko again, huh? So it's that bad. Dahil ba hinalikan kita kaya iniiwasan mo ako?"

Hindi pa rin siya umimik pero kinagat niya ang ibabang labi. Iniiwasan niya ito dahil hindi niya alam kung paano aakto sa harap nito pagkatapos ng nangyari nang nagdaang gabi. But she didn't clarify anything. Ang alam lang niya, nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon.

Bumuntong-hininga ito. "Look, Mara. If you don't want me kissing you, I'm sorry. Pero hindi mo kailangang mag-panic attack dahil doon."

Tiningnan niya ito. Noon lang niya napansin na ang lalim ng eye bags nito. Halatang hindi ito nakatulog nang maayos. Ibig sabihin, hindi pa rin ito uminom ng alak? Naalala niya si Rachel. Bigla ang pagsisikip ng dibdib niya pero inignora niya iyon.

"Iniisip mo ba ang pagsisinungaling mo kay Rachel kagabi?" nananantiyang tanong niya.

"Tungkol saan?"

"Sa... sa pagsasabi mo na girlfriend mo ako."

Tumaas lang ang isang kilay nito.

"Sir, alam naman po natin ang totoo. Pero okay lang pong gamitin n'yo ako."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Ano ba'ng sinasabi mo?"

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Nagpatuloy siya. "Pagselosin natin si Rachel. No'ng sinabi mo na girlfriend n'yo ako, natigilan siya. Alam ko na wala akong karapatang tawagin na girlfriend mo. Pero puwede akong makatulong sa 'yo kahit paano. Baka kapag nagselos si Rachel, ma-realize niyang ikaw pa rin ang mahal niya at hindi ang kuya mo."

Matagal bago ito nagsalita. "Sinasabi mo bang gusto mong patuloy na maging girlfriend ko?"

"Magpapanggap lang tayo," maagap na paliwanag niya. She wanted to stay with Icko even if it's like this. "H-hanggang sa... hanggang sa hindi mo na ako kailangan. Hanggang sa mahalin ka uli ni Rachel. Hindi ba at minahal ka naman niya noon? Magagawa ka siguro niyang mahalin uli ngayon."

Bahagya itong lumapit sa kanya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mga mata nito. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Mara? If you pretend to be my girlfriend, I'd make sure you'd play the role of my girlfriend. Kailangan mong pakisamahan ang ama at kapatid ko. Maaari kang makarinig ka ng pagtutol mula sa kanila pero kailangan mong tiisin 'yon."

Tumango siya. Anything for you, Icko, gusto niyang sabihin dito.

Hinawakan nito ang baba niya at itinaas. He looked straight into her eyes. "And of course, I'd act the part of a loving boyfriend. Bubuntot ako sa 'yo hanggang gusto ko. Hindi ko hahayaang may lumapit na ibang lalaki sa 'yo. Kung may gustong manligaw sa 'yo at gusto mo rin siya, pasensiyahan na lang tayo. 'Di kita basta-basta ibibigay sa iba." He leaned his face closer. Napalunok siya, lalo pa at nakatingin ito sa mga labi niya. "I'll use you when necessary. Hangga't hindi ko sinasabi na tapos na tayo ay hindi ka puwedeng kumalas. Handa ka ba roon?"

Kung sa ibang pagkakataon ay aatras siya. Pakiramdam kasi niya ay sadyang tinatakot siya nito. Pero hindi siya umatras. Sa halip, tumango siya.

Kumunot ang noo nito. "Bakit mo ginagawa ito, Mara?" halos pabulong na tanong nito. "Are you... do you... perhaps like me?"

Kontodo iling siya. Naalala niya ang sinabi nito sa kanya noon. Kulang pa yata ang iling, kailangan niya itong kumbinsihin. "Hindi, ah! Hindi kita type! Hindi ako puwedeng ma-in love sa 'yo, 'di ba?"

Natigilan ito. Kasunod niyon ay nakita niya ang sakit sa mga mata nito. "So bakit mo nga ito ginagawa?"

Nag-isip siya ng maidadahilan. "K-kagabi... 'sabi mo..."

"Kagabi 'yon. Ngayon ang pinag-uusapan natin. Bakit ka papayag kahit sinabi kong maaari kitang gamitin?"

"A-ano..." Dahil mahal kita. Lumunok muna siya. "Gusto kitang tulungan. M-malaki ang utang-na-loob ko sa 'yo. At kaibigan kita. Hindi ba dapat lang na nagtutulungan ang magkaibigan?"

"Gusto mo akong tulungan? Gusto mo ba talagang magkatuluyan kami ni Rachel?"

Hindi! Pero alam ko rin na sinabi mong girlfriend mo ako dahil gusto mong ipakita sa kanya na hindi ka na apektado. Napabuntong-hininga siya. Sinikap niyang ngumiti. "May pag-asa ka pa, Icko." Sa oras na sinabi niya iyon, parang gusto niyang maiyak. But she held her ground. "H-hindi pa naman sila kasal. Sa mga pinapanood ko, nagkakatuluyan pa ang mga bida sa last minute ng kasal. Kapag nagselos si Rachel, may chance pa na bumalik siya sa 'yo."

Hindi ito umimik. Tila tinatantiya nito ang sinabi niya. Sa isang banda ay gusto niyang humindi ito. Ayaw niyang matuloy ang plano niya.

"Sige," sabi nito kapagkuwan. "Gagawin ko 'yang sinasabi mo. Pero kapag hindi nagtagumpay ang plano mo, ikaw ang sisingilin ko. Kailangan mo akong pakasalan."

Hindi niya alam kung tama ba ang pagkakarinig niya. "Ha?" Nagbibiro lang ito, 'di ba?

Pero nakatalikod na si Icko at nagsisimula nang maglakad. Akmang tatawagin uli niya ito nang lumingon ito. Nakakunot pa rin ang noo. "Nakalimutan kong sabihin. Hahalikan kita kahit kailan ko gusto. At kailangan mong gustuhin iyon dahil girlfriend kita."

Naiwan siyang nakamaang lang dito.

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now