CHAPTER 8

2.5K 93 2
                                    

"SAAN ka pupunta?"

Napatigil si Icko sa ginagawang pag-aayos ng gamit nang marinig ang boses ni Dylan. Sinubukan niyang magtimpi. Sa tono ng boses nito, may sapantaha na ito sa gagawin niya.

"Aalis ka kasama si Mara, 'di ba? I called her up, she told me she had a meeting with someone after lunch."

Tumaas ang isang kilay niya. "Paano ka dumating sa konklusyon na 'yan kung wala pala siyang sinabing pangalan?" sarkastikong sabi niya.

Dylan smirked. "Sa loob ng tatlong taong pananatili niya sa Paris ay pangalan mo lang ang hindi niya binibigkas kahit isang beses. Guess it was too painful for her."

Natigilan siya sa sinabi nito. Bahagyang naningkit ang mga mata niya. "What do you mean too painful?"

He snorted. "Tigilan mo na nga 'yang pagpapanggap na hindi mo alam na mahal ka ni Mara."

That caught him off guard. "Linawin mo ang sinasabi mo, Dylan."

Lumapit ito sa desk niya at itinuon ang mga kamay roon. His expression was deadly serious. "Isang beses ko lang itong sasabihin sa 'yo, Icko. Stay away from Mara. Hindi ko hahayaang masaktan uli siya habang nandito siya sa Pilipinas. I will protect her from you. I will even protect her from herself. Nagkaroon ka na ng chance sa kanya noon, binale-wala mo iyon. Kaya habang maaga pa, cut all ties with her. Don't even offer her friendship."

Bigla ang pag-iinit ng ulo niya sa sinabi nito. "Sino ka para sabihin sa akin ang dapat kong gawin? You're not Mara's guardian, Dylan," ganti niya rito.

"Mahal ko si Mara," mariing sabi nito. For the second time, Icko was caught off guard. "Hindi kagaya mo, alam ko kung ano ang gusto ko kapag nasa harap ko na."

"Bakit mo sinasabi sa akin ito?" naiinis na sabi niya.

In truth, he felt threatened. Dylan was not the type to declare his undying affection for a woman. Least of all, sabihin sa kanya na mahal nito ang babaeng iyon.

"Because Mara won't let me have her," mapait na sabi nito. "You probably don't know, but before she left the country years ago, nakita niya kayo ni Rachel sa opisina mo. You were kissing each other."

Nanggilalas siya nang maalala ang sandaling iyon. "No, we weren't. Rachel kissed me!"

"Alam ko. Pero hindi iyon ang pagkakaalam ni Mara. 'Sabi niya, masaya raw siya na naging masaya ka na. That it was the only thing she could do for you. She was just a silly girl. Nasasaktan na siya pero ikaw pa rin ang iniintindi niya. Nagagalit ako sa 'yo dahil sa pagpapaiyak mo sa kanya."

Ngumiti ito nang mapakla.

"It's actually ironic to say that the first time I fell in love with a woman was during the time she cried in front of me. Habang umiiyak siya sa harap ko, ang sabi ko sa sarili ko, hindi ko na hahayaang umiyak uli siya ng ganoon dahil sa ibang lalaki. Sa loob ng tatlong taon ay nanatili ako sa tabi niya. I became whatever she needed. Eh, ano naman kung ikaw ang mahal niya? Ako naman ang nasa tabi niya. I told myself I will replace you in her heart. It doesn't matter how long it would take me."

Tumuwid ito ng tayo at sinalubong ang mga mata niya. Wala siyang maapuhap na sasabihin. The revelation was too sudden for him.

"I will do just that. Pagkatapos ng Food Expo, sasamahan ko na siyang bumalik sa Paris. Wala akong pakialam kung mahal mo siya. I don't even want to know if you do. Pero ito ang sasabihin ko sa 'yo—layuan mo siya. You don't have any business being with her when you have someone else beside you. Someone who needed you. Kung importante sa 'yo si Mara, maiisip mong tama lang na layuan mo na siya."

Naikuyom niya nang mahigpit ang kamay niya. "Damn you, Dylan! Wala kang karapatang sabihin sa akin kung ano ang dapat kong gawin."

"I probably don't. Pero wala ka ring karapatang saktan uli siya." Tila nahahapong humakbang ito palayo sa desk niya. "Just leave her, for goodness' sake, Icko. Free her of her memories of you."

"Or else?" hamon niya.

"Don't make me choose between her and our friendship."

Pagkatapos niyon ay naglakad na ito pabalik sa pinto. Paalis na ito nang tawagin uli niya ito. Sandali siyang nag-alinlangan. "D-did she..." Tumikhim siya. "Talaga bang umiyak siya dahil sa akin?"

Even the thought that he had hurt her was heartbreaking in itself. Ano ba ang iniisip niya noong mga panahong iyon at hindi niya nalaman ang tungkol doon?

"Just stay away from her. Don't make it hard for her than it already is," anito.

Ilang minuto nang nakaalis si Dylan ay hindi pa rin siya gumagalaw sa puwesto niya. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang mga nalaman niya mula rito.

"You don't have any business of being with her when you have someone else beside you..."

With his heart breaking into pieces, he started for the door. Baka kapag nakita uli niya si Mara ay malaman na niya kung ano ang dapat niyang gawin.

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now