CHAPTER 4

2.6K 106 1
                                    

"OKAY ka lang ba? Mukhang tensed na tensed ka," tanong ni Dylan kay Mara sa loob ng sasakyan nito.

Umiling-iling siya. Sinikap niyang tumawa. "Tatlong taon pa lang kasi ako sa Paris pero pakiramdam ko, ang tagal ko nang hindi nakita ang Pilipinas. Pero halos walang nabago. Ang dami pa ring billboards sa EDSA. At itong mga picket-fences na ito, ang jologs pa rin ng kulay. "

Ngumisi ito. "Some things never change."

"Yeah."

Sumilip siya sa labas ng bintana. Sa totoo lang, kinakabahan na siya pagtuntong pa lang niya sa airport. It sure felt different the moment she stepped on Philippine grounds and breathe its air again. Para kasing mas malapit na siya kay Icko ngayong nakatayo lang sila sa iisang lupa.

She groaned inwardly when she realized what she was thinking. Ipinilig niya ang ulo at sinikap alisin ang agiw sa kanyang isip.

"Saang hotel pala ang tutuluyan mo? Doon na muna tayo dumeretso."

Napangiti siya. "No, actually, hindi ako sa hotel tutuloy ngayon. I have a better idea of home."


HINDI mawala ang pagkakangisi ni Mara nang makita ang pamilyar na pigura na papasok sa loob ng Caramello.

"Pangulo!" sigaw niya ilang dipa mula rito.

Nakita niya nang bigla itong tumigil sa paglalakad at marahas na lumingon sa kanya. May ilang sandali na nakatitig lang ito na tila hindi siya nakilala. Lalong lumawak ang ngisi niya.

"Ang sama n'yo, Pangulo. Hindi naman ako nagpa-plastic surgery para hindi n'yo makilala agad."

Nang marahil ay mag-sink in na rito kung sino siya ay nanlaki ang mga mata nito. "Mara?"

Tatawa-tawa siyang lumapit at yumakap dito nang mahigpit. She had missed the old man. "Pangulo, kumusta na kayo?"

"Diyaske kang bata ka!" wika nito. Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pagsinghot nito. Pinunasan nito ng suot na apron ang sulok ng mga mata nito. "Akala ko ay hindi ka na babalik dito. Malapit na kitang isumbong sa daddy mo, Mariana," pasitang sabi nito sa kanya.

Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Ngayong nakita na niya si Mang Pilo ay mas nararamdaman na niyang bumalik na nga siya sa Pilipinas. Hinagod siya nito ng tingin.

"Hindi kita nakilala, Mara. Ang ganda-ganda mo ngayon, anak."

She grinned at the compliment. "Made in Paris 'yan, Pangulo."

"Dito ka muna titira? Tamang-tama! Kalilinis lang ng apartment mo."

Saka pa lang niya naalala ang mga bagahe niya. Napalingon siya kay Dylan na nakalimutan na niyang kasama nga pala niya. Base sa amusement sa mga mata nito ay alam nitong nakalimutan niya ito. Nasanay na siguro ito dahil kapag nasa Paris ito at siya naman ay nasa klase niya ay nalilimutan niya palagi na may appointment siya rito.

"Sino nga siya, Mara? Pamilyar siya sa akin..."

Agad na inabot ni Dylan ang kamay ni Mang Pilo at nakipagkamay. "Nanggaling na ho ako rito dati. Ako 'yong nagdala ng scholarship para kay Mara."

Kumunot ang noo ni Mang Pilo. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa. "Nobyo mo na ba 'yan, Mara?" Sa tono nito, pakiramdam niya ay mortal sin kung sasabihin niyang boyfriend nga niya si Dylan.

Sabay silang nasamid ni Dylan. Naalala kasi niya ang itinanong nito sa kanya nang nagdaang gabi pero hindi niya sinagot.

"Kaibigan ko lang ho si Dylan, Pangulo," sabi na lang niya.

Tumango-tango ito, mukhang nasiyahan sa sagot niya. "Mabuti naman."

"Pangulo, samahan n'yo naman ako. Doon ho sa dati kong bahay."

Nakahinga siya nang maluwag nang magpatiunang maglakad ito. Si Dylan ay tumabi sa kanya.

"That old man doesn't like me," nakasimangot na reklamo nito.

Tumawa siya. "Baka pagod lang si Pangulo. Alam mo na, matanda na, eh," pagdadahilan na lang niya.


"WOW. WALA pa ring kasinsarap ang kape n'yo, Pangulo," puri ni Mara.

"Siyempre. Ikaw lang, eh, dumadayo ka pa ng ibang bansa para sa kape."

Kasalukuyan siyang nasa countertop ng Caramello. May mga nabago na roon. Iba na ang ginagamit na saucer at cup ng Caramello at bago na rin ang mga sofa. Mas cozy na iyon kaysa sa dati. Kung tutuusin, iyon ang pinakamagandang coffee shop sa parte na iyon ng Cubao.

Katatapos lang niyang mag-ayos ng gamit sa dating apartment. Tama lang pala na hindi niya binitiwan iyon. Buwan buwan ay nagpapadala pa rin siya ng pambayad doon. Gusto kasi niya na parang may parte pa rin ng dating Mara ang babalikan niya kung sakaling bumalik siya sa Pilipinas. At tama nga siya. Nandoon pa ang lahat ng mga Korean dramas na pinapanood niya noon.

"Ang dami nang nabago rito, 'no? Kumikitang kabuhayan kayo rito, ah."

Natawa ito. "Actually, may nagpumilit lang palitan 'yang mga sofa. Sumakit daw kasi 'yong likod niya noong unang beses na natulog siya roon. Nagrereklamo ang gunggong."

Kumunot ang noo niya sa nahimigang familiarity at fondness sa tono ni Mang Pilo tungkol sa taong tinukoy nito. "Sino 'yon?"

There was a knowing smile on his lips. "Mamaya, makikita mo siya. Hindi puwedeng hindi iyon dumaan dito kahit saglit lang."

Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito. She sipped her coffee in silence while reading a cookbook. Halos isang oras din ang lumipas nang may marinig siyang sumigaw mula sa entrance ng Caramello.

"Pangulo!"

Napaangat siya ng tingin kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso niya. That voice... Sa loob ng tatlong taon ay hindi niya nakalimutan ang boses na iyon.

"Bakit ngayon ka lang, eh, kanina pa kita tinawagan?" narinig niyang sita rito ni Mang Pilo.

"Alam n'yo namang busy ako. Demanding kayo. Anyway, what's the rush?"

Halos hindi humihinga si Mara habang hinihintay ang pagsulpot ng mga ito mula sa entrance. And when she finally saw him, everything else vanished.

He was still the same man she knew back then, except for his hair. Ang dating mahabang buhok nito na nakapusod ay maikli na ngayon. It made him look more polished. Pero ganoon pa rin ang tindig nito, na parang pag-aari nito ang lugar. His shoulders looked as broad as ever. Tinitingnan lang niya ito ay tila may nagbabara na sa lalamunan niya.

"Mara?" Tila naeengkantong lumapit ito sa kanya.

Then he stopped a few inches away from her. Na para bang natatakot ito na aparisyon lang siya. Gently, he held out her hand and tentatively touched his knuckles to her jawline.

"You're really Mara," halos bulong na sabi nito.

Sa kabila ng pag-iinit ng sulok ng mga mata niya ay natawa siya sa inasal nito. "It's good to see you again, Icko."

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now