CHAPTER 19

2.5K 99 1
                                    

"MARA! Mara!"

"O, Pangulo! Bakit? Ginagabi kayo, ah!"

Hinihingal pa si Mang Pilo nang abutan siya sa tapat ng apartment niya. Kaaalis lang ni Icko dahil may aasikasuhin pa raw ito. Si Mang Pilo naman ay may iniabot na envelope sa kanya.

"May dumaan kasi kaninang lalaki rito. Ipinaaabot 'yan. 'Di ka raw kasi ma-contact. Kasama mo na naman si Icko, 'no?" panunukso pa nito.

Umingos siya. Hindi na niya kailangang sabihin na kailangan talaga niyang samahan si Icko dahil may usapan sila.

"Low-batt ako, Pangulo." Sinipat niya ang envelope. May nakadikit na Post-it sa labas. Binasa niya iyon. '"Cheers to the fulfillment of one of your dreams. The rest will follow.' Hmm.. Ano naman kaya ito at sino naman ang maghahanap sa akin na lalaki?"

"Matangkad, saka mukhang mayaman, eh. Akala ko, si Icko lang ang ganoon kaguwapo, meron pa pala."

Gwapo? Matangkad? Si Dylan? Kumabog ang dibdib niya nang matitigan uli ang envelope. Don't tell me... Mabilis niyang binuksan iyon. Tumambad sa kanya ang makapal na papel. Iisang salita lang ang agad na rumehistro sa kanya—Congratulations.

Mabilis niyang ini-scan ang unahang page. Iyon ang application form niya kasama ng passport at visa na inayos niya noon. Kompleto na rin iyon ng lahat ng mga papeles na kailangan niya sa pag-aaral niya.

Sa sobrang tuwa niya ay hinalikan niya si Mang Pilo sa pisngi. Nagtataka man ito ay mabilis siyang umakyat sa room niya para mag-charge ng phone. Pagkatapos ay dali-dali niyang tinawagan ang numero ni Dylan na ibinigay nito sa kanya.

"Dylan!" patiling bungad niya rito. "Thank you! Thank you! Patisserie scholarsip, wow!"

Tumawa ito nang malakas sa kabilang linya. "Mara, naman, kung maka-'thank you' ka... Kiss na lang!"

Natawa siya. "Thank you talaga, Dylan. Kung hindi dahil sa 'yo..."

"Hep, hep! FYI, sinamahan lang kitang ayusin ang application forms pagkatapos ng contest. At si Don ang pumirma ng recommendation mo. Lahat ng 'yan ay dahil sa sarili mong talent."

"Thank you pa rin." Naiiyak na naman siya.

"I'm happy for you, Mara. Nasabi mo na ba kay Icko? Naku, tiyak na magpapa-party 'yon. Ipagmamalaki na naman niya na siya ang nakadiskubre sa 'yo."

Nai-imagine na nga niya ang magiging reaksiyon ni Icko. "I hope that her dreams will come true soon..." Natutupad nga ang wish sa tower ng Globe!

"Sasabihin ko sa kanya nang personal bukas. Huwag mo akong uunahan, ha?"

"Sure. At kung gusto mo ng kasamang mag-eempake, sabihin mo lang sa akin. Nandiyan na ang flight schedule mo pati na rin ang tickets. You'll be leaving two days from now."

Nasinok yata siya. "Two days? Ang bilis naman!"

"Mas mabuti na nga 'yon dahil mag-i-start na ang sem. Kung gusto mo, ihahatid na kita sa airport."

Ibig sabihin, aalis na talaga agad siya at iiwan na niya si Icko. Tiningnan niya ang folder na hawak. It was the fulfillment of all her dreams. Niyakap niya iyon.

"Thanks, Dylan," she said softly.

"Ah, maiba ako." Tumikhim ito. "Are you really... you and Icko... 'Sabi kasi ni Rachel..."

Napailing siya. Hindi maituloy-tuloy ni Dylan ang sasabihin. "Ano sa tingin mo?"

"Hmm... I think, oo. Though nabigla lang ako." Kapagkuwan ay hininaan nito ang boses. "May nangyari sa inyo noong gabi ng party, 'no?"

"Ha?!"

"Wala? Tsk! Akala ko pa naman..."

"Bakit hindi ka nagtataka sa balita? Paano kung nagpapanggap lang pala kami na mag-boyfriend para magselos si Rachel at matauhan siya na si Icko pa rin ang mahal niya?" nananantiyang tanong niya.

"Kanino 'yang istupidong ideya na 'yan?" Nang hindi siya sumagot ay pumalatak ito. "Mara..."

"Sige na, Dylan, inaantok na ako! Bukas na lang!" pag-iwas niya.

"Mara."

"Bakit?"

"You are much more special than what you think you are."

"She's special and there's nothing I'd want to change about her..."

Sa kabila ng pamamasa ng mga mata niya ay napangiti siya. "Thank you, Dylan."

KINAUMAGAHAN ay pinuntahan agad ni Mara si Don sa opisina nito para pormal na mag-resign sa trabaho at magpasalamat dito. Sinabi nito sa kanya na kung may kailangan siya, huwag siyang mag-atubiling lumapit dito. And that he would always be supporting her dreams wherever she was. Kung gugustuhin daw niyang bumalik sa TGF pagkatapos niyon ay bukas-palad na tatanggapin siya nito.

Nakiusap siya rito na kung maaari ay huwag sabihin sa mga officemate niya ang tungkol sa pag-alis niya. She was never good with good-byes, especially to her friends. Mabuti na lang at busy rin ang lahat kaya may excuse siya para huwag nang ungkatin pa ang tungkol doon.

It was after office hours that she debated whether to talk with Icko or not. Sa huli, naisip niyang utang-na-loob niya rito kung bakit nakuha niya ang scholarship.

Nag-ipon siya ng lakas ng loob at saka binaybay ang hallway. Nang matapat siya sa opisina ni Icko ay binalak sana niyang kumatok nang mapansin niya na nakaawang nang kaunti ang pinto. Sa maliit na siwang ay nakita niya ang isang pamilyar na bulto.

Rachel...

"Icko, let's stop this. Panalo ka na. I can't stand seeing you together with that... that woman," garalgal ang tinig na sabi ni Rachel.

Napasinghap siya. Dapat na siyang umalis doon pero hindi niya magawa. Parang napagkit na ang mga paa niya sa semento.

"Rachel, Mara and I—"

"Oh, stop it, Icko! Panalo ka na nga, okay? Kung pinagseselos mo ako, you're doing a good job. I guess I deserve to have a dose of my own medicine."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"I used Ivan, okay?" Sa pagkakataong iyon ay tumaas na ang boses ni Rachel—na bahagyang ipinagpasalamat niya dahil nalunod ang pagsinghap uli niya. "God! He proposed to me last night after you left, and I couldn't say anything. Umiyak lang ako. I'm so selfish. When it's you, palagi na lang akong ganito. But it's true. Ginamit ko siya para pagselosin ka. Akala ko, mari-realize mo na mahal mo ako. Na matatauhan ka agad dahil alam kong importante ako sa 'yo. I didn't know... I didn't know that you could be so stubborn!"

Nanlamig ang mga kamay niya. Hindi na niya gustong marinig ang iba pang sasabihin ng mga ito, lalo na at magpapaalam na siya kay Icko.

"Alam kong mahal mo rin ako, Icko," humihikbing sabi ni Rachel. Isinandal nito ang noo sa balikat ni Icko. "You're just too stupid and you're afraid of hurting me kaya hindi ka kumikilos noon, 'di ba? C'mon, Icko. For once, say it. Tell me you love me. Please..."

Niyakap ni Icko si Rachel sa paraang alam niya na hindi siya yayakapin ni Icko kailanman.

"Sshh... Rachel, stop crying."

"Icko, please..."

"Totoong mahal kita, Rachel..."

Nakangiting tumingala si Rachel. Kapagkuwan ay tumiyad ito para halikan sa mga labi si Icko.

Natutop niya ang bibig. Kasabay niyon ay tila may patalim na tumarak sa puso niya. Gusto niyang umalis na sa kinatatayuan pero tila napagkit na ang mga paa niya sa kinatatayuan.

Then a strong hand pulled her, and she slammed against something hard. Napagtanto niyang nakasandig siya sa dibdib ng isang lalaki. Her cries were muffled by a musky scent coming from this man.

"Dylan..." mahinang sambit niya.

"Don't look," mariing sabi nito.

Pagkatapos ay hinila siya nito palayo sa lugar na iyon sa kabila ng nanlalabo niyang mga mata. Her tear-strung eyes looked up to see Dylan looking worriedly at her.

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang