CHAPTER 10

2.6K 107 5
                                    

NA-AMUSE si Icko nang makita si Mara na aligagang nagpapabalik-balik sa labas ng SMX Convention. Ilang tao na ang nabubunggo nito dahil parang wala ito sa sarili. Taranta itong humihingi ng paumanhin sa lahat ng mga taong dumaraan na nabubunggo nito. Tinataasan lang ito ng kilay ng mga iyon o kaya ay ini-snub. He didn't know whether to laugh at her or punch those people who seemed to belittle her.

Huwag n'yo siyang isnabin. Talented 'yang babaeng 'yan! gusto niyang isigaw sa mga ito.

Nilapitan niya si Mara at inabutan ng mineral water. "Bakit ba hindi ka na lang pumirmi sa isang tabi nang wala kang nadidisgrasya?" Mapapaaway ako dahil sa 'yo.

"Icko!" bulalas nito sa nanlalaking mga mata. Parang noon lang siya napansin nito, samantalang kanina pa niya ito pinagmamasdan. "Nakita ko si Amore kanina. Nakakatakot siya! Pero kahit sa malayo, mukha pa rin siyang magaling. No wonder nagalit sina Chef Adrien at Chef Jeric no'ng nakialam tayo. Saka ang ganda niya!"

Tumaas ang isang kilay niya. She looked adorable when she's babbling like that. Bihira lang itong magsalita nang mahaba pero animated lagi ang mga kilos nito. "You also look good in that chef's uniform," sabi niya rito.

Bumagay rito ang puting uniform na may collar at butones na asul. Kahit ganoon pa rin ang ayos ng buhok nito at may salamin pa rin ito sa mga mata, mas maganda na ang hitsura nito kaysa noong ang suot nito ay mahabang palda at cardigan. She was obviously happy. Parang hindi pa rin ito makapaniwala na ngayon ay kasama nito ang mga kilalang tao sa langaran ng pagkain.

Namula ang mga pisngi nito. "Talaga, Sir?" pa-cute na sabi nito.

Natawa siya. How she could manage to look so old school yet very adorable was beyond him. She was Mara, but with her smiling and looking like that, she sure was the prettiest he had ever seen since Rachel.

Nagulat siya sa naisip. Nitong mga nakaraang araw na kasama niya ito ay hindi pumapasok sa isip niya si Rachel. He never knew he would enjoy working in their company that he had always hated. Hindi rin niya naiisip ang motocross. For the first time since his life crumbled a year ago, he started to care about someone more than his broken self.

Yes, he cared about Mara, there was no doubt about that. Kung paano iyon nagawa sa kanya ng babaeng kulang sa self-confidence at tila palaging wala sa sarili, hindi rin niya alam.

Amazing...

"Bakit ka ngingiti-ngiti diyan?" nakakunot-noong tanong ni Mara sa kanya.

"Nothing." Kapagkuwan ay itinulak niya ito papasok. "Pumasok ka na at baka tawagin na ang number mo. Ibi-brief pa kayo sa gagawin. Mamaya pa ako makakapasok."

Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito.

He gave her an encouraging nod. "Don't worry, nandito lang ako."

"Icko, kahit ano'ng mangyari ngayon, nagpapasalamat pa rin ako sa 'yo." Halatang nagpipigil itong umiyak. "Alam kong hindi na ako mahihiya kay Daddy kapag namatay ako ngayon."

"Hey, hey. Hintayin muna natin ang verdict, saka natin harapin ang kuya ko," naa-amuse na sabi niya rito.

Marahan niyang pinahid ang luhang namuo sa mga mata nito. Napuno ng init ang puso niya. She looked at him like he was an angel—which he knew he was not. But with her, he realized, he could be anything.

Natawa ito at suminghot. Then she smiled at him.

Bigla ay parang gusto niya itong hapitin at halikan. Her soft, pinkish lips looked really inviting amidst the glow coming from the chandelier lights. The very same lips that sang her a song last night. Hers was the most kissable lips he had ever seen.

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now