CHAPTER 17

2.5K 91 1
                                    

NAKATAYO si Mara sa harap ng opisina ni Icko at nilalaro ang daliri nang umagang iyon. Kinakabahan na naman siya. Ano ang gagawin niya kapag nagbago ang isip ni Icko at sabihin sa kanya na hindi na siya nito kailangan? Buong gabi niyang pinag-isipan kung tama ang naging desisyon niya. Nasa ganoon pa rin siyang isipin nang kumatok siya sa pinto ng opisina nito. "Sir, si Mara po ito."

"Come in, Miss Benitez," narinig niyang sabi nito sa pormal na tono.

Huminga muna siya nang malalim. Fighting! Nang pihitin niya ang seradura ay nakita niya itong nakatayo sa may filing cabinet.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Sir, ipinapatawag n'yo raw po ako."

"Nag-meeting kami kanina para sa concept ng bagong mini-cakes na ilalagay sa bagong dessert line kasama ng Kismet," patuloy nito sa pormal na tono. Hinarap siya nito at may ibinigay na folder sa kanya. "Ito 'yong ipinagawa ko sa 'yo dati na 'sabi ko ay lagyan mo ng grado minus the ones with the lowest grades. Ipinakita ko ito kanina sa meeting. I-file mo uli nang maayos. And then insert some comments, pagkatapos, ipasa mo uli kay Adrien."

Tumango lang siya at kinuha mula rito ang folder. "Anything else, Sir?"

Kumunot ang noo nito. "Nag-lipstick ka ba ngayon?"

Kumunot ang noo niya dahil hindi niya inaasahan ang tanong nito. Gayunman ay umiling siya. Sa isang iglap ay nahawakan na siya nito sa balikat at isinandal siya sa pader na nasa likuran lang niya. Napasinghap siya sa ginawa nito, lalo pa at nakulong siya sa loob ng mga bisig nito. Kinabahan din siya sa nakikita sa mga mata nito.

"I never knew that eyeglasses could be such a turn-on," he whispered huskily.

Bago pa niya maintindihan ang ibig sabihin nito ay yumuko ito at sinakop ang mga labi niya. Nalunod sa halik nito ang singhap na kakawala sana mula sa bibig niya. Idinikit nito nang husto ang katawan sa kanya hanggang sa pakiwari niya ay wala nang hangin na makakadaan pa sa pagitan nilang dalawa.

He continued kissing her while his hands travelled sensuously on her back. Just like him, his kisses were playful, teasing her mouth to surrender and give in to the sensation. Pakiwari niya ay inaalis ng halik ang lahat ng pag-aalinlangan niya. Na parang sinasabi nitong magpaubaya siya dahil ito ang bahala sa kanya.

"Oh, I'm sorry!"

Sabay pa sila ni Icko na kumawala sa isa't isa nang marinig ang tinig. Nang pumihit sila sa direksiyon ng nagsalita ay halos mawalan siya ng kulay sa mukha. Nakatayo si Rachel sa bungad ng pinto. Halatang shocked din ito sa nakita.

"K-kumatok ako pero walang sumasagot..." Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa.

Hindi siya makatingin nang deretso rito. Hiyang-hiya siya na maabutan nito sa ganoong sitwasyon. Sa isang banda ay nagi-guilty rin siya. Samantalang si Icko ay tila naghahabol pa ng hininga. Ang isang kamay nito ay nananatiling nakahawak sa baywang niya.

"That's okay, Rachel," wika nito na may bahid ng kaaliwan sa tinig. "May kailangan ka?"

Saglit siyang tiningnan nito, bago nagsalita. "'Sabi ni Ivan, kumain daw tayo ng dinner mamayang gabi. I-isama mo raw si... ang girlfriend mo."

Nakita niya ang pait na gumuhit sa mga mata ni Rachel. Bigla siyang kinutuban. Sinadya ba siyang halikan ni Icko para maabutan sila ni Rachel sa ganoong sitwasyon?

"I'll use you when necessary."

Nakagat niya ang ibabang labi. Of course! Bakit ba siya nag-isip ng kung ano-ano gayong malinaw pa sa tubig ang naging usapan nila ni Icko? Hindi ba at siya ang nag-suggest na gawin nila iyon para pagselosin si Rachel?

"Ano sa tingin mo, Mara?" untag ni Icko sa kanya.

"Ha?" Napakurap-kurap siya. Parehong nakatingin ang dalawa sa kanya at mukhang hinihintay ang desisyon niya. Napatango lang siya. "Sige po."

"Sigurado ka?" tanong ni Icko.

Sunod-sunod na tango ang ginawa niya. Sinikap niyang ngumiti. "Thank you po sa invitation n'yo, Ma'am Rachel."

Nakita niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Icko pero hindi umimik. Si Rachel naman ay mukhang napipilitan lang ngumiti. "It's settled then. We'll see you tonight."

Nang makaalis na ito ay saka pa lang niya hinarap si Icko. May naglalarong maliit na ngiti sa mga labi nito. Siguro ay nakita rin nito ang naging reaksiyon ni Rachel. Kahit gusto niyang umiyak ay sinikap niyang patatagin ang tinig niya nang magsalita.

"May kailangan pa po ba kayo, Sir?"

Umiling ito. Ang kaaliwan sa mga mata ay naroon pa rin. "Wala na, Miss Benitez."

Akmang pipihitin niya ang seradura nang tawagin uli siya nito. Nilingon niya ito.

"Palitan kaya natin ang eyeglasses mo? Nakakawala pala ng katinuan 'yan."

"Ha?"

Nang tumawa lang ito ay kunot-noo siyang lumabas ng opisina nito. Mukhang masayang-masaya ito at may sapantaha siya kung bakit. Kapag nagtagumpay ba agad ang plano nila, mawawala na rin agad ito sa kanya?

He was never yours to begin with, Mara.

Napabuntong-hininga siya.



"AH, THIS feels good. 'Tingin ko talaga, para tayong tunay na magkasintahan," wika ni Icko habang nagmamaneho sa EDSA. Kanina pa panay ang ngisi nito na parang may nangyaring maganda. "Ulitin kaya natin ito, Mara? Kasama naman ang lahat ng mga empleyado ng kompanya."

Katatapos lang nilang mag-dinner kasama sina Ivan at Rachel. Sa unang pagkakataon ay parang wala siyang maramdaman na hidwaan sa pagitan ng magkapatid, kahit paminsan-minsan ay mukhang nagtatantiyahan ang mga ito. Mas nakilala rin niya si Rachel base sa pagkukuwento nito.

Naalala niya nang magpunta siya sa restroom at nakasabay pa niya si Rachel. Habang nagre-retouch ito ng makeup at siya naman ay naghuhugas ng kamay, hindi niya maiwasang ikompara ang mga sarili nila. Beside Rachel, she looked very ancient kahit nag-ayos naman siya ng buhok at naglagay ng kaunting makeup.

"You know, you're really not Icko's type," sabi nito sa kanya sa pagitan ng pagre-retouch. "No offense meant, Mara, ha. It's just that I've known Icko all my life. He was my first love, you know. Pero parang kapatid lang daw ang turing niya sa akin." Sinundan nito iyon ng mapait na tawa. "Ni hindi man lang niya ako kinumusta nang magkasakit ako."

"Hindi totoo 'yan," kontra niya bago pa niya mapigil ang sarili. "Dinalaw po niya kayo sa ospital nang mag-collapse kayo."

Mukhang nagulat ito. "Really?"

Tumango siya. Nakalimutan nga niya ang pangako niya sa akin dahil sa inyo, eh, gusto sana niyang idagdag.

"He cares for you, Miss Rachel." Nakagat niya ang ibabang labi nang sabihin niya iyon. Gusto sana niyang bawiin ang sinabi niya pero alam niyang kasakiman iyon sa parte niya.

Tila nag-isip ito ng mahabang sandali. Nang bumalik sila pareho sa mesa ay kapansin-pansin na naging tahimik ito.



Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now