[B2] Episode 1

2.3K 66 36
                                    

💐

"I can't believe you, Fred! Nalingat lang ako, may iba ka na agad na kinakalantari?! At hindi ka man lang nagtago! Sa harap pa talaga ng mga kaibigan natin eh nakikipaglaplapan ka sa kung sinong pokpok!"


Yoon was raging mad. Bakit? Nakita niya lang naman ang boyfriend niya for years na may kahalikang ibang babae. At hindi man lang naging maingat ang gago. Talagang sa mataong parte pa ng bar ito nakipagpalitan ng oral fluids sa pokpok na 'yon.


Fred and her had been together since high school at halos maglilimang taon na sila. And tonight was one of their Friday night outs with their closest friends. Na-late lang siya ng kaunti dahil late nakapagsara ang pinagtatrabahuhan niyang café. Nagmadali pa nga siya makahabol lang sa kasiyahan. Lo and behold, hindi niya expected na madadatnan ang kabulastugan ng kasintahan.

"Babe, I'm sorry," ani ng lalaki. "But don't blame me. Blame the guys 'coz they said I wouldn't be able get that girl's number kaya ko nagawa 'yon."


"Ano ka, twelve?! Putangina naman Alfredo!" Sigaw niya sabay hawak sa sariling noo. "May girlfriend kang tao tapos nagpabuyo ka sa mga kalokohan ng kaibigan mo? Robot ka bang gago ka? Kontrolado kanba nila, ha?!"


"Na-challenge ako eh. You know I don't back down from dares like this."


"So kung ide-dare kitang saksakin sarili mo, gagawin mo? Bobo ka ba?!"


Napakibit-balikat lamang ito kaya naiinis na hinilamos niya ang kamay sa sariling mukha.


"Okay. Granted that's the case. Pero, putangina naman, Alfredo. Number lang ang usapan kukunin, hindi pati laway nung haliparot na 'yon!"


"Hindi ako 'yung humalik, babe. Siya."


"Then you could've pushed her!" frustrated niyang sigaw. "Hindi ka na dapat gumanti. And don't bother denying it. Kita ng dalawang mata ko na mukhang sarap na sarap ka ba sa pagpagpapalapa sa babaeng 'yon!"


"But babe, lalaki lang ako," pagdadahilan nito. "Can't you see how hot she was? Natangay lang ako. I'm not gay. Normal lang para sa isang lalaking tulad ko ang naging reaksyon ko."


"Lalaking tulad mo?!" taas kilay niyang tanong. "Lalaking gago?"


"Babe naman..."


"Don't you fucking dare call me that, Alfredo!" bulalas niya dito. "Ilang beses mo na ba 'tong ginagawa sa'kin? This isn't the first time I saw you with someone else. Malas mo lang ngayon dahil walang magpinsan na naghahalikan. Huli ka nang hayop ka!"


Isang malakas na hampas gamit ngkanyang dalang bag ang iginawad niya sa lalaki. Agad naman itong umiwas kaya't paulit-ulit niya itong binayo hanggang sa matamaan ito. But one isn't enough. She hit him so many times with her bag nang dahil sa gigil.


"You. Fucking. Asshole!" sigaw niya. "I can't believe I wasted five years with you!"


"It was just a dare, for crying out loud!" giit nito. "Be a sport, Eunice. Nakakahiya sa mga kaibigan natin 'yang inaasta mo."


Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon