[B2] Episode 29

702 35 35
                                    

💐

"My father wants to gain full control of La Monte."

Agad na nangunot ang noo ni Yoon nang sabihin iyon ni Renalea. They were already back at the mansion dahil inisip nilang mas safe kung doon sila maguusap-usap. Mahirap na dahil baka may mga taong nakabuntot sa babae na maaaring magsumbong dito sa ama nito.

"And with Inno out of the picture, ako ang ilalagay ng board as the new CEO dahil kami ang second highest shareholder ng kompanya. Me in that position would gain him power over the company."

"What? Why?" nagtatakang tanong niya. "Hindi ba senador ang tatay mo? Why would he be interested in running a business?"

"Business din ang politika, Arabella. Mas madumi kaya nga kinakailangan niya ang La Monte," paliwanag nito.

"Para saan?" kunot-noong tanong niya.

"To hide all his dirt," seryosong saad ni Inno. And it wasn't a question. "Gagawin niyang front ang La Monte sa mga illegal niyang ginagawa."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago tumango at bumaling sa kanya.

"This is why I couldn't tell you about it," anito. "Kapag nalaman ng publiko ang tungkol dito, masisira ang ama ko. And let's face it. Kung hindi lahat eh majority ng mga politiko sa bansa natin ay isang narcopolitician."

"So hahayaan mo lang siyang lokohin ang publiko, ga'non?" balik niya dito.

"Come on, Arabella. Sinong politiko ba ang naging tapat sa publiko? Honesty and transparency in our government is one big hoax," asik nito. "It's up to them kung papahuli sila o hindi. So my father needs a front. And with La Monte's reputation, hindi iisipin ng mga tao na kumukupit siya sa kaban ng bayan. Kapag hawak mo ang isa sa pinakamakapangyarihang conglomerate sa bansa, wala ring kakalaban sa kanya."

"So he planned to let you marry Inno? Para masunod yung gusto niya? Hindi niya ba naisip na hindi papayag si Inno sa mga gawaing ilegal—"

"Unless he knew I'd run."

Napabaling siya sa kasintahan. Napakatalim ng tingin nito kay Renalea. Ramdam na ramdam niya rin ang galit na namumuo dito kaya't inabot niya ang kamay nito't hinawakan ng mahigpit. She saw his shoulders drop a bit.

"He knew about your relationship," ani Renalea. "That's why he pushed the idea of an arranged marriage between us because he's sure Inno would run. Or back out."

"Teka lang. Ang gulo. Kung gusto nito mapasakamay ang kompanya, bakit gugustuhin niya mag-back out si Inno? O tumakbo?"

"His plan was to blackmail the Montecillos into giving him what he wants. Ang pinakamataas na posisyon sa kumpanya. At magagawa niya lamang 'yon kapag hindi sumunod sa kasunduan si Inno," paliwanag nito. "Pero muntik nang hindi 'yon matuloy the night Inno announced his engagement to you. So dad wanted me to make Inno change his mine. Do everything that I can para iwan mo siya. Seduce him o kung anuman. But I found something better."

"The recording..." mahina niyang sambit na kinumpirma nito ng isang tango.

"Iyon ang naging catalyst para maisagawa namin ang plano," kumpirma nito. "With that, sigurado kaming papayag na si Inno sa arranged marriage na pinaplano ni dad because he'd feel angry and betrayed. Mas mapapabilis 'non ang planong pagpapakasal sa'amin with you finally out of the picture."

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon