[B2] Episode 7

816 48 83
                                    

💐

"Are you sure about this, Naia? Pumayag ba talaga si Jarvis na dito muna ako mag-stay sa pad niya pansamantala?" paniniguro ni Yoon sa kaibigan. She's currently walking towards Jarvis' bachelor's pad where she'll be staying for the next three months.

Apparently, kinausap ni Naia ang asawa nito to let me stay in his pad dahil nga wala pa siyang matutuluyan. The unit she bought is still being finished.

"Yes, Yoon. Ano ka ba? Hindi ka naman others. Saka, Vis' parents and Tita Saturn insisted na dito muna kami sa mansyon after our honeymoon," paliwanag nito. "May spare key sa second pot next to the door. Sorry I couldn't show you the place myself at pinadala ko na lang kila Yvo yung susi. Biglaan kasi 'tong pag-alis naming ni Vis."

"Honeymoon?" tanong niya habang umaakyat ng hagdan.

"Yup. Sa Isla del Fuego," sagot naman nito. She could really sense the happiness and excitement in the tone of her voice.

"Isla del Fuego?" tanong niya. Alam niyang mayaman sina Naia pero owning an island? Jusmio! Posible pala 'yon?

"Um... property siya ni Mama na ipinamana sa'min ni Third," paliwanag nito. "Isang maliit na rest house lang ang nan'don saka konting mga residenteng nangangalaga sa isla."

"Sana all may sariling isla," aniya sabay tawa. "Dapat pala pikutin ko kapatid mo para magka-isla din ako."

"Kung magiging sister-in-law man tayo, I assure you it won't be through Third." Napa-irap siya. Sigurado niyang napakalapad nanaman ng ngisi ng kanyang kaibigan.

"Pagbibigyan kita ngayon kasi malambot ang kamang tutulugan ko ngayong gabi," biro niya dito. "Kailangan ko bang palitan yung bedsheet, Naia? Bak kung anong kasalanan ang pinaggagawa niyo dito niyang asawa mo."

"Two years ago, oo," diretsong sagot nito. "But ever since we got back together, mas matakot ka sa guest room dito sa mansyon."

Biglang nag-replay ang sinabi sa kanya ni Dos nung nakaraan about Inno being traumatized with the guest room.

"Ang haharot!" bulalas niya na ikinatawa nilang pareho. "But seriously, salamat talaga dito, Naia. Pasabi na lang din kay Jarvis. And don't worry, I'll take good care of his apartment."

"Makakarating," anito. "Basta if there's any problem, just send me a chat, okay?"

"Yes, mom," sagot niya sabay tawa.

Then she realized, magiging nanay na pala talaga ang kaibigan niya. Ang bilis lang talaga ng oras. Parang kailan lang eh kababalik pa lang ng kaibigan niya mula Amerika. Now she's already married to the man she loves and expecting a child.

"Mag-iingat kayo 'don ha. Ingatan mo inaanak ko. Lie low muna sa kaharutan."

"Excuse me, pwede kami magharutan. May 'go' signal na si doc," natatawang sagot nito. "But of course, magiingat kamk. Andito rin si Vis kaya for sure eh alagang-alaga kami. Konti na nga lang eh buhatin ako para di daw mapagod eh."

"Parang timang talaga 'yang asawa mo," asik niya. "Ang OA."

"True. But it adds to his charm." Ramdam niyang napakalapad nanaman ng ngisi nito. "I can't believe I'm married!"

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon