[B2] Episode 15

797 37 68
                                    

💐

"Umamin ka nga, Yoon," ani Naia nang makarating sila sa silid ni Inno. Iyon lang kasi ang alam niyang kwarto sa buong mansyon. "Magaling ba si Inno? Naenjoy mo ba?"

Parang gusto niya nang sabunutan ang sarili sa mga nangyayari. Natakasan niya nga sina Inno pero may binaon niya sa hukay ang sarili nang hugutin niya ang buntis papunta sa bakanteng silid. It was like she took a rock to hit herself.

"Hoy Eunice! Sumagot ka!"

She sighed. "Aaraw-arawin ba namin kung hindi? Malamang oo."

Tumili ito ng pagkalakas. Sana totoo yung sinasabi ni Inno na semi-soundproof ang silid nito.

"Oh my God! Eunice!" Hinampas-hampas pa siya nito. "Di ka na talaga tigang!"

"Maka-tigang 'to!" bulalas niya agad. "Tigang ka din kaya for years. Kamakailan ka lang naman regularly nadidiligan ah."

"Ako, dalawang taon lang. Ikaw, since birth," debate nito. "But I'm happy for you, Yoon. Like super happy. Who knew we'd be sister-in-laws? From friends to in-laws. OMG ang cute! You'll be Mavi's Tita-Ninang. Nakaka-excite talaga!"

"Hindi pa nga kasi kami!" giit niya sa kaibigan pero hindi niya na rin talaga matago yung kilig.

Oo. Kinikilig siya. Sino ba naman ang hindi? For the first time in her life eh parang wala nang kulang. Hindi niya maintindihan kung ano pero iba eh. Ibang-iba.

First of all, napakarupok niya dito. Noon kay Fred eh halos umabot pa ng isang buwan bago niya ito pinayagang halikan siya and they were hormonal young adults then. With Wes it took three. Pero si Inno... ewan niya ba. It only took one look and an adorable smile para bumigay siya. All the way pa.

"Really now?" Tumaas ang isang kilay nito. "Pero gusto mo. Gusto mong maging kayo officially."

"Well..." Hindi niyannapigilan ang sariling mapangiti. "Sino naman ako para umayaw, 'diba?"

Hindi na siya magpapaka-plastic at magiinarte. She's in love with Inno. Hindi pala talaga siya immune sa charm ng lalaki dahil napakadali nitong nakuha ang puso niya.

Tuloy-tuloy ang naging paguusap nila ni Naia—without detailing some sensitive parts of course, updating each other sa mga naging ganap sa kanilang buhay. Hindi na rin kasi sila nakapagusap ng gaano nung lamay ni Arika.

Masakit pa rin kapag naaalala niya na wala na ang kaibigan nila. Na hindi na nila makakakwentuhan ito uli.

But they're fine. Kaya na nila uli. Balang araw, si River din.

"Nga pala—"

"Arabella! My darling! My love! So sweet!" Sunod-sunod na katok ang bumulaboh bigla sa kanila ni Naia. Nangunot agad ang noo niya. "Love! Do you want to build a snowman?"

Tumawa ng malakas si Naia. Maging siya ay natatawa na din pero pinigilan niya iyon.

"Yung lalaki mo o. Nagpapaka-five years old nanaman," pangaasar nito.

Tumayo siya at binagtas ang daan patungo sa pinto. Napasinghap siya nang isang Inno na naka-suit—sa pang-itaas lamang habang and suot nitong puruntong kanina ang nasa pamibaba, ang bumungad sa kanya. May hawak itong mga bulaklak—na mukhang pinitas nito sa garden ng tiyahin, habang malapad na nakangisi sa kanya.

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon