[B2] Episode 19

671 33 39
                                    

💐

Ilang araw nang masakit ang ulo ni Yoon. Gustuhin niya mang magpa-check-up ay hindi niya magawa dulot na rin ng madami siyang naiwang trabaho at mga dapat ayusin.

"Miss Yoon, ito na po yung mga sample menu para sa event ng La Monte Corp.," ani Marley, isa sa mga assistants niya. "Kailangan na lang po pumili ng representative nila. Kung magrerequest po ng taste testing, pwede po natin i-arrange with the caterer."

"Sige," tugon niya sabay abot ng folder. "I'll run this with the La Monte team. But I think it would be better to schedule a taste testing. Medyo maselan kasi ang palette ni Mr. Montecillo."

Tumango ang babae bago lumabas sa kanyang opisina. She was still in that cramped room sa loob ng shop pero parang bago iyon sa kanyang paningin. Matagal na rin kasi siyang hindi nakakapasok because of Inno.

Napadako ang kanyang tingin sa kalendaryo. It was already the 18th of the month. Naka-bilog iyon dahil iyon ang araw na dapat ay lilipat na siya sa kanyang bagong condo.

Ilang beses nang sinabi sa kanya ni Inno to cancel the purchase. Or at least huwag na lang intindihin yung unit. But she have this crazy idea of turning it into their very own love nest. Or kung ayaw pa din nito, pwede naman niyang parentahan na lang yung lugar.

Should she go and check the place out alone? Nasisiguro niyang busy ngayon si Inno dahil hindi ito nakapasok two days straight. Why? Dahil desidido ito sa balak na lagyan ng laman ang tiyan niya which was funny considering ilang araw pa lang ang nakakalipas after that false pregnancy scare.

Tumipa siya sa telepono at kinontact si Solyn. Sana lang ay hindi busy ang kaibigan para may kasama din naman siya kahit papano doon sa unit.

"Hello?"

"Synn," bungad niya nang sumagot ang kaibigan. "Wala ka ngayon sa bundok?"

"Wala. Nasa North ako," sagot naman agad nito.

"Great!" excited niyang turan. "Pwede samahan mo 'ko? I need to check my unit."

"Unit? Yung condo?" tanong nito. "Lilipat ka pa rin?"

"Hindi naman habangbuhay eh makikitira ako kila Inno. I still need a place of my own. Nakakahiya kaya kila Tita Saturn."

"Yeah but, did you tell Inno about this?"

"Ikaw ha, Solyn. Nakakahalata na ako. Masyado ka nang kampi ngayon kay Inno," she said pouting. "Mas una mo kaya akong naging kaibigan."

"At least kasi siya uma-attend ng book signing events ko. Eh ikaw? Ni anino mo hindi ko mahagilap," balik nito na ikinangiwi niya.

"Okay. Point taken," bawi niya agad. "But please, don't tell him yet. Balak ko kasi gawing private nest namin 'yon ni Inno. Medyo nakakahiya na rin talaga kasi yung 'dun kami lagi sa mansyon. Kung alam mo lang yung mga nakakaasar na tingin sa'kin nung mga bunso. We need a little bit of privacy."

"In short, gagawin niyong motel yung condo," pananaray ng kaibigan niya. "Ikaw Arabella ha. Ibang level nanaman 'yang kamanyakan niyo ni Inno. Sasamain ka talaga sa'kin."

"Grabe ka naman sa motel," defensive niyang turan. "Love nest nga. Yung medyo sosyal naman, Solyn."

Ramdam niya ang pag-irap ng kaibigan sa kabilang linya.

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon