[B2] Episode 22

677 41 68
                                    

💐

Nagising si Yoon sa matapang na amoy ng anesthesia. Bumalandra rin sa kanyang harapan ang kulay puti na kisame.

Nasaan ba siya?

Iginala niya ang paningin sa paligid at nakitang nakaupo sa isang tabi si Synn. Napansin naman agad siya nito't agad napatayo.

"Yoon!" bulalas nito. "Kumakain ka pa ba ng maayos? Natutulog? The doctor said you're fine at mukhang over fatigue ka na daw."

"I-I'm fine," aniya agad at pinilit umupo. Tinulungan naman agad siya ng kaibigan. "Where's Naia? Pano ako nakarating dito sa ospital?"

"We called Jarvis," bigay alam agad nito. "Buti na lang at nasa area siya dahil may kinausap na supplier. He and Naia went home dahil biglang sumakit yung tiyan nung buntis. Jarvis insisted in getting a room for her pero alam mo naman si Naia. She insisted that they go home instead."

"Ah. Buti naman para makpagpahinga na siya," aniya. "How long was I asleep?"

"Mga thirty minutes lang naman," anito. "In fact, kakaalis lang nung dalawa. Should I call them?"

Agad siyang umiling. "Huwag na. I'm already awake so mas mabuting umuwi na lang tayo. Nakapagpahinga naman na ako ng kaunti—"

"No," putol agad nito sa sasabihin niya. "Hihintayin natin yung doktor saka findings sayo. You freakin' passed out, Eunice! Anong pinaggagagawa mo sa buhay mo ha?! Kapag pinayagan ka nang umalis, you're staying with me sa Bulacan."

"Pero Synn—"

"No buts!" giit nito. "Pano kung bigla ka nanamang hinatayin? You need to eat—"

"Kumakain naman nga kasi ako—"

"Hindi tama yung puro take-out lang, Yoon. Alam mo yan," kontra agad nito sa sasabihin niya. "Stay with me sa Bulacan. Or, I'll stay with you sa condo mo kung nagiinarte ka pa rin. Aayusin natin 'yang buhay mo because clearly, you're not fine. We'll start of with putting necessary things in your new condo. A small fridge and some groceries would do—"

"Miss Suarez."

Naputol ang panenermon sa kanya ni Synn nang may biglang dumating. Base sa stethoscope na naka sabit sa may leeg nito at lab gown na suot, mukhang ito ang doktor na tumingin sa kanya.

"It's good that you're finally awake," anito at ngumiti. "Okay na ba ang pakiramdam mo, hija? Mukhang kulang ka sa tulog these past few days."

"Medyo lang po, doc. Marami po kasing inaasikaso sa... sa trabaho."

"I see," anito. "It's best for you to have enough rest. I have your test results and aside from you being low in iron, wala naman akong nakikitang problema. I'll just give you some vitamins to help with your condition and you're good to go."

"Kondisyon? Anong kondisyon po?" kunot-noong tanong niya dito. "Don't tell me... am I dying? Cancer? Brain tumor?"

Dagling natawa ang doktor sa kanya bago ito umiling. Mukha namang gusto siyang dagukan ng kaibigan sa kanyang tabi dahil sa sinabi.

"You're not sick, hija," malumanay nitong sambit. "You're pregnant."

"What?!"

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon