[B2] Episode 26

766 45 41
                                    

💐

"What's the big deal kung nasa maternity section si Synn, Arabella?" tanong sa kanya ni Inno habang lihim nilang sinusundan ang kaibigan at ang kasama nitong si Seven.

So far ay hindi naman touch or couple-y yung dalawa. Parang magkaibigan lang ang mga ito na naglalakad-lakad but there were times na parang nagiging protective si Seven kay Synn.

Like that one time na muntik itong mabangga, Seven protectively pulled her towards him. Ang weird lang. Kelan pa 'tong dalawa naging close?

"Sa inyong magpipinsan, si Jarvis lang at ikaw ang close ni Synn," aniya without losinh eye contact sa dalawa. "Hindi ba fishy sa'yo na kasama niya dito si Seven? Like of all people, bakit si Seven? Saka, maternity section—"

Bigla niyang naalala 'yung lagi nitong sinasabi. That she wants to have a baby. Baby lang hindi jowa. Could it be?

Napakapit siya sa braso ni Inno. Then hinampashampas ito.

"Aray naman Arabella. Mahal kita pero onti na lang matatamaan ka din saki—"

Tiningnan niya ito ng masama.

"...ng kiss. Ki-kiss kita ng madami."

"Heh! Bwisit ka talaga kahit kelan. Pasalamat ka talaga Inosencio at iniisip ko anak natin. Kundi baka kanina pa kita minurder," asik niya dito. "Kesa reklamo ka ng reklamo diyan manahimik ka na lang. i'm trying to figure something out here."

Muli ay ibinalik niya ang tingin sa kanina pa pinagmamasdan only to be surprised na wala na pala ang dalawa.

"Ayan wala na tuloy sila. Ang kulit mo kasi—"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla ay nasa likuran na pala ni Inno and dalawa. Synn looking scarier than she normally is.

"Hi Ate Yoon," ani Seven na nakangisi. "Long time no see."

Alanganing napangiti siya habang nakatingin sa kaibigang mukhang hindi talaga natutuwa. So she turned her attention towards the younger guy.

"He-he. Long time no see din, Seven. K-Kamusta?"

"Same old, same old," simpleng sagot nito. "Ikaw, Ate? Feeling ko talaga ikaw yung may malaking change ngayon. Nananaba ka."

"Upakan kita, gusto mo?"

Ngumisi lang ito sabay isod papalapit sa kanyang kaibigan na kanina pa nakatingin sa kanya ng masama. Sa kanila actually ni Inno—who, by the way, is actually hiding behind her.

"I can take care of the baby on my own, Synn," paguulit nito sa sinabi niya dati kaya't napayuko siya. "Hindi ko na kailangan ng panibang stress sa buhay ko."

"Umm..." Napatingin siya sa kasintahan at hinila ito papaharap kay Synn. "Napagisip-isip lang kasi ako na... na... Na tama ka! Inno has the um... right to know. Saka ano, misunderstanding lang lahat. Funny kasi ano, mali pala yung number niyang naka-save sa'kin. Hehe."

Umirap muna si Synn bago napabunto-hinga't tumingin kay Inno.

"Alam ko ng may kasalanan ako sa'yo pero I still need to beat the shit out of you pagkatapos mo paiyak-iyakin 'tong gagang 'to."

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon