[B2] Episode 6

766 43 85
                                    

💐

"We would like to thank everyone for coming to our wedding."


Nasa may entablado na si Jarvis habang hawak ang kamay ng asawang si Naia. Yoon just watched with the audience as the newly weds deliver their speech.


"I know some of you were shocked to see me getting married and not my brother," patuloy nito. "Hindi ko na po idedetalye and lahat pero ang bottomline po ay mahal namin ni Naia ang isa't-isa and we hope that you all would understand. Kasalang Uychengco-Montecillo pa rin ito kaya wala namang problema, hindi po ba?"


Nagkatawanan ang lahat sa tinuran ng lalaki. Pero may punto naman kasi ito. The deal was adjoining for the Uychengco heir and Montecillo heir to be wed. At Montecillo heir din naman talaga si Jarvis kaya technically, tuloy pa rin ang business deal. 


And yup, those two finally ended up together. Natapos na din ang walang katapusang kapabebehan. Kaya nga kung may lilitaw mang puting buhok sa kanyang ulo ay paniguradong kasama na ang dalawa sa source 'non. The rest ay dahil sa pesteng si Inosencio Raziel Montecillo.


The whole switcheroo idea was his. Pinagod pa siya nito maglakad kung saan saan para lang mapalitan ang mga papeles na kilangan sa kasalang Jarvis at Naia. Well joke's on them. Kinasal na pala ang dalawa days ago. So wala ding silbi yung pinaggagawa nila.


"We do hope all of you would enjoy the evening with us," ani naman ni Naia nang ito ang makahawak ng mikropono. "Jarvis, me and..."


Ngumiti muna ang dalawa sa isa't-isa bago humakbang si Jarvis papalapit sa asawa nito bago lumuhod ad idinikit ang tenga sa tiyan nito. Samu't-saring reaksyon ang pumainlang sa venue na sinabayan naman ng tugtug sa background. Jarvis' mom, Mrs. Stefania Montecillo was crying—happy crying, habang ang Ginoong Miguel Montecillo ay napa-thumbs up sa anak. The rest of the Montecillos cheered kasama ng mga Uychengco—maliban sa ama ni Naia na mukhang wala namang pakealam sa mga nagaganap.


Sinabi sa kanila ni Naia ang tungkol sa pagdadalang-tao nito during their final fitting. Hindi kasi nagkasya ang gown nito and they all wondered why. Then she let it slip na natural lang daw iyon dahil sa baby bump niya. Lahat sil eh gulat na gulat because... paano?! Hindi nila lubos maisip kung pano naka-isa si Jarvis sa babae when they were in that pretty complicated situation.


Pero curiosity aside, masayang masaya siya para sa kaibigan. Kitang-kita sa itsura nito ang tuwa and she was literally glowing. Totoo talaga 'yung sinasabi nilang "pregnancy glow".


Sana all may glow. Sana all, masaya.


Currently homeless pa din siya. Dahil nga nakapangalan kay Wes ang condo nila, wala na siyang right doon. Dapat pala ay hindi niya na lang hinayaang sa lalaki lang naipangalan ang property para kahit papano ay may habol pa din siya doon. Malaking pera na rin kasi ang nailagay niya sa tirahan nila for almost two years.


She could always opt to rent an apartment. Pero yun nga, dead investment iyon kaya kailangan niyang makapaghanap ng condo uli. Para at least yung binabayad niya sa lugar eh hindi masayang at sa kanya pa rin mapupunta after. May nakausap naman na siyang agent puro kailangan niya pa maghintay ng tatlong buwan bago makalipat.


So she'll be staying in her shop for the next three months.


The pagkatapos ng mga tradisyong ginagawa sa kasalan tulad ng cutting of cake, releasing of doves at kung anu-ano pa, dinner was served. Naging mapayapa naman ang pagkain niya pero ang buwisit na si Inosencio eh walang tigil sa pagtitig sa kanya.


Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon