[B2] Episode 18

713 38 40
                                    

💐

"Here."

Hindi alam ni Yoon kung ano ba dapat ang gagawin aa ganitong sitwasyon. Good thing there was Naia and Synn ready to help her out.

Naikwento niya sa mga kaibigan how lately her breasts were always sore. Saka napaka-antukin niya rin. Naia said signs na daw 'yon ng pagbubuntis kaya't bigla siyang nag-panic. Pano ba naman eh dalawang linggo nang delayed ang buwanang dalaw niya.

"Relax, Yoon," ani Naia habang naghihintay ito kasama siya sa isang pay lounge. "Hindi pa naman natin nasisiguro kung buntis ka nga. I also had the same symptoms pero pwede rin namang PMS lang yung iyo. Most women have sore breasts kapag magkakaron. Saka baka napupuyat lang kayo ni Inno kaya antukin ka. Don't stress yourself too much."

"We were never careful," saad niya. Kanina pa siya naglalakad ng pabalik-balik habang kinakagat ang dulo ng daliri. "Hindi kami gumagamit ng protection, Naia. So malaki ang chance na... na may nabuo. God! How can I be this careless!"

Not that she didn't want to have kids pero, paano kung hindi pa pala siya handa? Oo meron siyang business para suportahan ang sarili pero ibang usapan na kapag may bata. Will she even be a good mother?

"Yoon, you're already engaged. Konting kembot na lang and you'll be married to Inno," anito. "Kung hindi lang nga sukob eh baka pinakasalan ka na 'non agad eh."

"Pero pano kung ayaw niya muna magkaanak?" pagdadahilan niya. This is where insecurity kicks in. "I mean, pano kung kasal lang ang gusto niya at wala pang bata? Ganon ang ibang lalaki. And we're not ready yet. Busy siya sa kompanya and I'm still handling a business. Pano kung—"

"Yoon... Yoon relax, okay?" ani Naia sabay hawak sa kanyang kamay. "Nothing's certain unless you take the test. Mas okay na masiguro muna natin bago ka mag-panic."

Huminga siya ng malalim. Right. Tama ito. Know the results first before panicking. Baka late lang talaga siya dahil naninibago ang katawan niya since she's been active just recently. May posibilidad din na dahil sa stress kaya ga'non.

"Okay," mahina niyang sagot bago naupo sa tabi ng kaibigan. "I'm just scared. Pano kung buntis nga ako, Naia? What will happen? Kaya ko ba? Ni wala nga akong maternal instincts. I'm not like you. Baka... baka hindi ko kaya—"

"Ano ka ba, Yoon," ani ng babae. "If it turns out that you're pregnant, it's okay. Confident akong kaya mo. Ang independent mo kaya. You've been supporting yourself for as long as I can remember. Saka yung maternal instincts na 'yan, nadedevelop 'yan. Saka andiyan naman si Inno. Hindi ka 'non pababayaan. He loves you and I'm sure matutuwa 'yon once na malaman niyang magiging daddy na siya. And maybe that would stop him from threatening to kidnap Mavi. Lagi niya akong inaasar dahil pinanggigigilan ko yung ilong niya."

The idea of a little Inno running around made her unconsciously smile. Hindi naman siguro masama 'no? Having a child with Inno... inevitable naman 'yon kasi ikakasal naman na sila sasusunod na taon. So... why not, right? And marami namang pregnancy books na pwede niya gamitin—

"Nabili ko na!" bulalas ni Synn pagkapasok na pagkapasok nito sa CR. "Ang haba ng pila saka napaka-judgmental 'nung babae sa likod ko. Bumili na din ako ng tubig just in case hindi ka maihi or something."

Inabot nito sa kanya ang maliit na kahon na naglalaman ng pregnacy test kit. It's now or never. Huminga siya ng malalim.

Synn gave her a reassuring pat on the shoulder while Naia smiled at her. Pilit hinanap ng kanyang mata si Arika only to realize wala na pala ito. She missed her jokes that make situations as heavy as this be lighter. Again, she sighed.

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon