[B2] Episode 10

810 43 92
                                    

💐

Moment of Insanity. Tama. 'Yon lang 'yon kaya niya nagawa ang mga pinaggagawa. Or, gutom. Tama. Gutom lang siya kaya hinalikan niya si Inno. Plus she 's doing this to prove a point.

Pero shit! Ang sarap humalik ng demonyo! Bakit ga'non? Hindi niya maiwasang i-compare ang damuho sa mga naging ex niya. They weren't even close in comparison! Ito na ba 'yung sinasabi ni Arika? That certain urge you feel na gusto mo ulit-ulitin makipaghalikan because it's that addictive?

Kaya pala ang lakas ng loob nito to offer kissing lessons. Grabe. Ibang klase talaga. Kahit nga ngayon eh ramdam niya pa rin yung mga labi nito sa mga labi niya. Buti na lang nga at hindi namaga yung lips niya eh.

"Ang tahimik mo ata."

Muntik pa siyang mahulog mula sa bar stool na kinauupuan nang biglang sumulpot sa likuran niya ang demonyong kanina pa nanggugulo sa kanyang isipan. Nakakulong siya sa mga bisig nito kaya't hindi siya makagalaw nang ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat.

"Don't tell me nagbabago nanaman ang isip mo?" dagdag nito. "You already marked me, Arabella. Touch move na. Bawal na atrasan."

Tinulak niya ito gamit ng kanyang likod.

"Anong marked marked 'yang pinagsasabi mo? Adik ka ba?!"

Gulat nanaman siya nang biglang pinaikot ni Inno ang upuan kaya't napaharap siya dito—kulong pa rin sa mga bisig ng walangya.

"Oo. Adik ako. Adik sa'yo," banat nito sabay ngisi.

Putangina! Putangina talaga!

"A-Ang baduy mo!" singhal niya dito sabay tulak'papalayo. "Kung babanat ka pwede yung medyo maganda naman? Bwisit 'to."

Pero deep inside eh nasigaw na siya sa sobrang kilig. Bwiset kasi 'tong Inosencio na 'to. Siya ang may kasalanan. Pa-fall! Galing pa humalik. Anong magagawa niya bilang marupok siya, 'diba? Di niya kasalanan kung kinikilig siya.

"Kiss muna," pagaasar nito. Umiirap siya nang bigla itong sumunggab ng halik.

"Inno!" Ramdam niya ang nakakapasong init sa kanyang mga pisngi.

"Ang tagal mo sumagot eh," anito with that adorable boyish grin. "Kaya ako na lang gumawa. Baka mag-inarte ka pa kasi."

"Bwiset ka talaga," asik niya habang nilalabanan ang ngiting nagbabadyang gumuhit sa kanyang mga labi.

Ganito ba? Ganito ba yung feeling kasama ng isang Inosencio Raziel? Nababaliw na talaga siya sa kilig. Pa-fall kasi eh. Eksperto ito sa pagpapaibig. Yung tipong isang kindat lang eh willing ka na ibenta kaluluwa mo mahalin ka lang ng gagong 'to.

"Hindi ako nagiinarte," asik niya dito. "Iniingatan ko lang sarili ko. Malay ko ba kung mahulog nanaman ako tapos di mo naman pala ako sasaluhin—"

"Why is it hard for you to believe na kaya kitang saluhin, Arabella?" seryosong tanong nito. "I've already told you, gusto kita. Gustong-gusto kita, Eunice Arabella Suarez. Hindi pa ba sapat 'yon?"

"Can you honestly blame me, Inno?" balik niya dito. "Ilang beses na akong nasaktan. Kaya hindi ko kasalanan kung gusto kong protektahan ang sarili ko laban diyan sa mga pinaggagagawa mo."

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon