[B2] Episode 11

777 46 34
                                    

💐

"So ilang taon mo ba balak magtago dito, Eunice? Mind you, hindi hideout itong bahay ko," mataray na asik ni Solyn habang nakapamaywang sa pinto ng kwartong inangkin niya.

Mahigit isang linggo na ang nakalilipas since that incident with Inno at nung gabi ding iyon ay dumiretso siya agad ng Bulacan papunta sa bahay ni Synn which only she, Arika and Naia knows about.

Perfect ang lugar na 'yon para magtago sa sibilisasyon dahil secluded ang subdivisiong kinalalagyan nito't mahigpit ang security.

But she was miserable. Wala siyang maayos na tulog plus hindi niya pa magawang mag-function ng tama. Tanging pagkain na lang nagiginh comfort niya these past few days.

"Dalawang buwan na lang at matatapos na yung bagong condo ko. Please, Synn? Magbabayad ako ng renta, promise," pagmamakaawa niya dito.

"Do you honestly think I care kung magbabayad ka o hindi?" pananaray nito. "I'm talking about Inno. Nakakainis na dahil konti na lang eh pasasabugin na ata ng gago yung telepono ko. Pati si Naia na buntis eh pinagaalala mo. Pati si Arika nangungulit na. Konti na lang talaga eh magpapa-search and rescue na yung buong angkan ng Montecillo para sa'yo."

"Nagtext na ako kay Naia saka Arika. Alam nilang okay ako," aniya as she scooped out a big chunk of ice cream galing sa hawak na tub. "At hayaan mo na lang 'yang si Inno. Mapapagod din 'yan."

Napabuntong-hininga ito sabay upo sa tabi niya.

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong nito. "Bakit mo pinagtataguan si Inno?"

"Because he's a lying, cheating piece of shit," diretso niyang sambit sabay subo ng ice cream.

"We've established that," anito. "So why the hiding? Pwede namang isnabin mo na lang siya uli. O di kaya i-block yung number sa phone. File ka din ng restraining order kung feel mo. Bakit hindi mo siya hinayaang magpaliwanag?"

She sighed.

"Kasi baka bumigay ako," sagot niya. "Isang sorry lang from him eh baka patawarin ko. Or kung magdahilan nanaman siya na pinsan niya yung lecheng hitad na 'yon eh maniwala nanaman ako agad. Pesteng puso kasi. Di na natuto."

"Ah. Marupok," tatango-tangong sambit nito. "But is the girl the same one you saw before? O ibang babae naman ngayon?"

"Ibang babae..."

"Okay," anito. "Hindi naman sa may kinakampihan ako pero, shouldn't you at least hear him out? Baka may logical explanation naman kaya ga'non."

"Logical explanation? Eh magkahalikan sila, Synn. That tramp was kissing Inno!"

"Ikaw na mismo ang nagsabi, the tramp was kissing Inno. Malay mo naman kung yung babae yung sumunggab, 'di ba?"

"Kahit na," giit niya. "The mere fact na yung nguso niya eh pinagpepyestahan nung babaeng 'yon is already cheating."

"Yoon, keep an open mind, okay?" sambit nito. "Ayokong pumili ng side dahil pareho ko kayong kaibigan. And we both know kahit minsan eh gago si Inno, hindi siya ga'non k-gago."

"Ah basta. Niloko niya pa rin ako after ko siyang pagkatiwalaan—Aray! What was that for?"

"Wala lang. Baka sakaling matauhan ka," kibit-balikat nitong sambit. "Sabi mo pinagkatiwalaan mo siya? I beg to differ. Adun ka pa rin kasi sa side na ginagawan mo ng rason para hindi pagkatiwalaan si Inno. Because if you did trust him, papakinggan mo yung paliwanag niya."

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon