[B2] Episode 27

771 40 21
                                    

💐

Tahimik na naghintay si Yoon sa labas ng silid para kay Inno. Ang antok na nararamdaman niya kanina eh nawala na. Ang tanging natitira na lang sa sistema niya ay kaba at takot.

She trusts Inno. Alam niyang he will stay true to his word and stay with her 'til the end. Pero ang kinatatakutan niya ay ang pagkawala ng pinaghirapan nito nang dahil lang sa kanya.

Ipinanganak si Inno upang maging isang magaling na businessman. If not the best, at least one of the best leaders in the business world. And all of that will be thrown away dahil lang sa... Oh God! Ano ba dapat ang gawin niya? Should she leave?

Agad siyang napatingin sa pintuan nang bigla itong bumukas. Ngunit hindi si Inno ang iniluwa niyon.

"T-Tita," aniya sabay ayos ng kanyang tindig. "Um... K-Kamusta po?"

Tingnan lamang siya nito bago pinagtaasan ng kilay.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala makinig sa mga usapang hindi ka naman kasama," mataray na sambit nito.

"Um... Ano po kasi..."

Hindi na nito hinintay ang kanyang sagot at naunang nagsalita.

"You should rest," anito—still in that statuesque and strict demeanor. "Hindi nakabunuti sa buntis ang maghapong nakatayo. Matatagalan pa si Inno sa loob dahil kausap niya sa telepono ang kanyang ama. It's best if you head to your room at doon na lang ito hintayin."

"Tita, about the babies—"

"Those babies are a blessing," putol nito sa sasabihin niya. "I have nothing against them but ang akin lang ay sana'y nagiingat kayo. Hindi na kayo mga bata para laging paalalahanan ng kung anu-ano pero sana'y naging responsable kayo.

"Kampante ako sa pagpapalaki ko sa mga pamangkin ko. Kaya't nasisiguro ko kung ano ang desisyon niya. Ang panagutan ka. But Inno wil lose everything he worked so hard for.

"Hindi lang ito sa pera o kung ano. Inno sacrificed his childhood para lang sa kompanyang 'yon. He slaved day and night to learn the works of being the next CEO of one of the top conglomerates in the world tapos mawawala lang 'yon na parang bula.

"I know it may sound shallow to you but that company is our family's legacy. Dugo at pawis ang ipinuhunan para ibasura na lamang ng ga'non ga'non."

Hindi siya nakaimik at nanatili na lamang na tahimik sa panenermon sa kanya ng nakatatanda.

"Don't get me wrong, hija," anito bago napabuntong-hininga. "I am not mad at you o sa mga bata. It pains me to see him in this situation. Sana'y maintindihan mo kung saan ako nanggagaling."

"I understand, tita. I'm really sorry..."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago magaang tinapik-tapik ang kanyang balikat.

"I just don't want my kids to be making the same mistakes I did."

Iyon lamang ang sinabi nito bago tuluyang dumiretso sa pasilyo patungong sa tingin niya't ang silid nito.

Minabuti niyang sundin ang ginang at dumiretso na silid ni Inno. Doon, matiyaga siyang naghintay sa kasintahan.

"Hey."

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon