[B2] Episode 23

674 49 35
                                    

💐

"Ano?! Ulitin mo nga 'yang sinasabi mo Arabella! Kahit buntis ka, tatamaan ka sa'kin!"

Isang malalim na buntong hininga lamang ang pinakawalan niya bago ayusin ang pinagkainan at nilagay sa lababo.

Nasa condo niya sila and Synn wasn't living with her. She insisted that she can take care of herself and her baby. Alone. Pumayag naman ito—reluctantly, dahil nakasisiguro naman ang kaibigan niyang hindi niya pababayaan ang batang nasa sinapupunan niya.

She almost died the other day. Muntik na siyang masagasaan ng kotse buti na lang at hinila siya pabalik ni Renalea. Kung bakit siya nito niligtas ay isa pa ring malaking palaisipan sa kanya. But she was too shocked to even ask. Maging ito ay mukhang nagulat din sa ginawa at umalis agad pagkatapos siya hilahin papabalik sa sidewalk.

Buti na lang at malakas ang kanyang anak. Sa sobrang takot ay dumiretso siya agad sa clinic at nagpatingin. Wala naman daw problema and she was just advised to stop doing strenuous stuff.

"Hindi mo sasabihin kay Inno?! Nababaliw ka na ba?!" bulalas nito.

"I can take care of the baby on my own, Synn," kalmado niyang sagot dito. "If Inno still wants to be with me, alam niya kung saan ako hahanapin. Ayoko ipagpilitan ang sarili ko sa kanya. Mas lalo pa na ayokong ang baby ko ang maging tanging dahilan para bumalik siya sa akin. Ayokong ikulong siya sa isang relasyon out of obligation."

Napabuntong-hininga na lamang ito.

"Malaki ka na, Yoon. Alam mo na ang tama sa mali. But don't you think telling him about the baby should be the right thing to do?" tanong nito. "He has the right to know about your baby."

"He lost that right when he left me," bulong niya. "And maybe he'll find out about my pregnancy. Maybe not. Pero ang bottomline dito is that, hindi na ako maghahabol sa kanya. Hindi ko na kailangan ng panibang stress sa buhay ko."

"Fine," pag-suko nito. "Choice mo 'yan. But one way or another, that's Inno's child you're carrying. May karapatan pa rin siya sa bata pagbali-baliktarin mo man ang mundo. Kaya yang ginagawa mo ngayon, para kang kumuha ng bato na ipupukpok mo sa sarili mo."

"Ha? Bakit naman?" kunot-noong tanong niya.

"Because worse comes to worst, pwede ka niyang idemanda at kunin ang bata mula sayo," babala nito na kanyang ikinagulat. "Kaya kung ako sa'yo, ipaalam mo na sa kanya ang tungkol sa bata bago pa mahuli ang lahat."

Pilit niya mang inignora ang sinasabi ng kaibigan, hindi pa rin niya maiwasang mangamba sa sinabi ng kaibigan. Bahala na! Kung anuman ang susunod na mangyayari, bahala na lang talaga ang Diyos sa kanya.

Kung babalik si Inno sa kanya, babalik siya. He promised he'd stay. Na kahit pa magmakaawa siya dito, he will stay.

Impit siyang napatili nang biglang umalingawngaw sa loob ng silid ang kanyang telepono. Maging si Synn ay nagulat.

It was Augustus. Augustus Herrera. Pinakilala ito sa kanila ni Arika one time as pinsan sa mother-side ni River. She planned one of his birthdays.

Pero, bakita ito tumatawag?

"Hello?"

"Hey Yoon. Dito ka pa rin ba 'yung shop mo sa may Taguig?" bungad na tanong nito agad sa kanya.

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon