[B2] Episode 32

737 41 17
                                    

💐

"W-What? Kapatid... kapatid ko kayo?!"

Hindi makapaniwala si Yoon sa biglang isinambulat ni Mrs. Ramirez. So that means... and tatay niya... ang tatay na umabandona sa kaniya...

"I... I think I need some air."

Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan at agad na lumabas ng silid. Narinig niya pa ang pagtawag ni Inno sa kanya ngunit masyadong magulo ang kanyang isipan para lingunin ito.

She felt a bit suffocated. So si Mrs. Ramirez yung anak ng papa niya sa legal nitong asawa. And seeing Fyro... ibig sabihin ay iniwan siya ng kanyang ama para bumalik sa dati nitong pamilya.

Is that why her mom didn't say anything? Kaya ba hindi ito umalma dati?

"Arabella..."

Agad siyang humarap kay Inno't niyakap ito. She cried. Hindi niya alam kung bakit siya umiiyak pero tuloy-tuloy ang naging pagbuhos ng kanyang mga luha. Ang dami niyang tanong. Ang dami niyang gustong malaman tungkol dito. Galit ba siya kaya siya pinilit makipagkita? And Fyro, kaya ba ganon siya dahil galit ito sa kanya? Dahil siya ang naging dahilan para masira ang pamilya nito noon? But why wasn't Mrs. Ramirez mad at her? Magiliw ang naging pagtanggap nito sa kanya at napakagaan ng pakiramdam niya dito. Was it all na act?

Gulong-gulo na siya.

Yung sakit na naramdaman niya nung panahon iniwan siya ng amang minahal niya ng sobra ay muling bumalik. This time it was a lot more painful than before. Dahil alam niyang sila yung nasa mali. Sila yung sumira sa totoong pamilya ng kanyang ama.

"Love?" pukaw sa kanya ng kasintahan. Agad naman siyang napatingin dito. "Gusto mo na ba umuwi? I can talk to them while you wait sa kotse."

Sunod-sunod na tango lamang ang tinugon niya dito bago muling isiniksik ang mukha sa dibdib nito't kumapit katawan nito. She felt Inno gently brush her hair as he tried to calm her and kiss the top of her head. Hinayaan lamang siya nitong umiyak at nang kumalma ay nagpaalam na kukunin lamang ang sasakyan mula sa valet.

"I'll be right back—"

Pinigilan niya ito. She didn't want to go home yet. Nagbago ang isip niya dahil narealize niyang dapat pala siyang humingi ng tawad sa mga ito. Ask their forgiveness for what her parents did before.

"I... I'll face them," mahina niyang sambit. "Nakakahiya mang harapin sila, kailanhan kong humingi ng patawad sa nagawa nina mama at papa na pagtataksil—"

"But it wasn't your fault, love," ani agad ni Inno. "Hindi mo alam. You were just a kid."

"Still, I want to say sorry. Malaki pa rin ang naging kasalanan ko dahil naging bunga ako ng bawal na relasyon ni mama at papa. I—"

Natigil siya sa kanyang lintaya when Inno suddenly pulled her into his arms.

Inno's warm embrace started to calm her down. At siyempre, awtomatikong pumulupot sa may baywang nito ang kanyang mga braso.

"You don't need to say sorry," mahina nitong saad. "But if you want to talk to them—ask questions, sasamahan kita. Pero siguraduhin mo munang okay ka, love. I don't want you stressing yourself out. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, I shouldn't have agreed—"

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon