[B2] Episode 8

811 39 46
                                    

💐

"Girl. Bakit parang wala ka nanamang tulog? Ang laki-laki na ng eyebags mo o," puna ni Arika. They were at a local restaurant at naisipang magkita since they kinda miss each other. Papunta na rin si Synn na nalate lang dahil galing pa ito ng Bulacan.

Dalawang araw na ang nakalilipas since Yoon and Inno were staying in Jarvis' place. Okay naman ang lahat maliban sa ang demonyong si Inosencio eh parang inaakit siya lagi.

For example, kapag dumarating ito galing sa trabaho eh parang walanitong kasama sa bahay kung maghubad ng polo. Lakas pa ng loob kasi kinakamusta pa siya nito habang tinatanggal ang pagkakabutones ng suot bago pumasok ng CR to freshen up. Hindi naman sa pangit ang katawan nito but that's the problem. Sobrang ganda ng hubog ng katawan nito at ang balikat? Jusmio! Pwede higaan sa sobrang lapad. Tapos may abs pa ang walanghiya. Sinong hindi maaakit niyan? Idagdag pa na dati na siyang marupok para dito?

Ay may isa pa pala. Pagkatapos maligo. Parang sinasadya nitong maglakad-lakad nang nakatapis lamang ng tuwalya! Imagine her shock whenever she steps out of the room at ang partially hubad nitong katawan ang bumabalandra sa kanya bawat umaga.

"OMG. Don't tell me pinupuyat ka ni Inno 'no?!"

"Gaga, hindi!"

Sobrang lakas nang naging tawa nito habang pinapapak ang nachos na inorder nila.

"So bakit ka puyat?" tanong nito. "Don't tell me affected ka pa din 'don sa ex mong ka-federasyon?"

"Ewan ko sa'yo," tanggi niya. "Himala ata at hindi mo kasama si River. Sawa ka na agad?"

"Excuse me, hinding-hindi ko pagsasawaan si River," sagot agad nito. "Have you seen him? Walang tapon, girl. Ugali, itsura, kayawan, walang sayang. He's like perfection! Ang galing pa sa—"

"Hoy Arika 'yang bibig mo talaga!" saway niya agad sa kaibigan. Wala nanamng filter 'tong babaeng 'to.

"What? Makapagreact ka naman kala mo virgin pa—" Kumunot agad ang noo nito nang pasimple siyang umiwas ng tingi. "Tangina. 'Di nga? Virgin ka pa, Eunice?!"

Agad niyang inirapan ang kaibigan.

"Lakasan mo pa, Arika. Hindi ata narinig 'don sa kabilang table," sarkastiko niyang saad bago kinurot ang babae.

"Two years naging kayo ni Wes tapos hindi ka niya ginalaw... tangina girl! You should've known na bakla 'yang boyfriend mo," anito na natatawa pa.

"Malay ko ba kung talagang nirerespeto lang ako nung tao," pagdadahilan niya. "Marami kaya ang mga couples na naghihintay muna ng kasal bago umano..."

"Girl, 21st century na ngayon. Wala na kayo sa medieval times para maniwala 'jan," prangkang saad nito. "I mean, come on. Uso na ngayon 'yung free trial. Requirement na 'yon sa isang masaya at fruitful na pagsasama."

"Hindi ko naman kasi nafeel yung urge to do the deed," pagdadahilan niya. "Parang walang sense, you know?"

"Walang sense? Jusko gorl. If you're really in love with someone, you should always feel that strong urge to pull him in one secluded corner and rip his shirt off. Lamoyon?" paliwanag nito. "Kung walang sexual tension between couples, platonic love lang 'yan. Friendship, ga'non."

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon