[B2] Episode 35

1.4K 52 31
                                    

🦙

INOSENCIO RAZIEL

Four years ago...

This is getting old. Kung noon ay naeenjoy niya pa ang pagpunta punta niya sa mga bar, now it was as boring as going to the office.

Same songs, same people, same girls. Wala man lang bang napapadpad ditong bago? Ang boring na kasi.

"Yoon, wait!"

Napatingin siya sa may gawing kanan. A girl—who he guesses was the one that guy called 'Yoon', made her way towards him.

"Excuse me. Single ka?"

Napatingin siya sa babae. Damn. Maputi ito, medyo may kaliitan ang mukha pati katawan. But she had curves on the right places. Hindi rin makakaila ang ganda nito lalo pa't mamula-mula ang mga pisngi nito. Was this girl drunk?

Hindi niya napigilan ang sarili mapangiti. Straightforward. He likes that. Ayaw niya nung mga tipo ng babaeng ang dami pang arte gusto lang naman palang humingi ng number.

"For a beautiful lady like you, yes, I am single." She was direct so dapat lang din huwag siyang magpatumpik-tumpik. Go for gold—

"Good."

Woah. Hindi niya inasahan ang sunod na ginawa ng babae. She cupped his face and kissed him straight on the lips. Sa sobrang gulat niya ay hindi siya agad nakareact dahil agad niyang nalasahan ang alak sa bibig nito.

It wasn't mind-blowing but he'd be lying if he said it didn't do anything to him. Sa katunayan nga ay tila may kakaibang uri ng kuryenteng bigla dumaloy sa kanyang sistema. Or maybe it was just because she was really attractive.

Pero hindi siya tumugon. A girl like this—aggressive and with a guy tailing not far from her, is clearly just out for blood. Kung tama ang iniisip niya, hinalikan lamang siya ng babae to spite the guy or something. Kaya kapag tumugon siya, baka sabihan pa siya nitong manyak o hindi kaya nananamantala lang. Hindi siya pinalaking ganon. If he were to kiss a girl, dapat ay pareho silang willing participant. Because they won't be just kissing by the end of the night.

"Is it me?" tanong nito bigla nang humakbang palayo. "Hindi ba talaga ako desirable?"

He was ready to shout a big fat "no!" to her question. Seeing her eyes start to water—yep he's a sucker for that just like any other functioning man, parang may biglang pumiga sa kanyang puso.

"Hindi?" He heard her voice break.

Fuck principles! He should've just kissed her back. Pero ano pa bang magagawa niya?

"It's not like that—" Akmang lalapit na sana siya dito pero muli itong nagsalita—more like sumigaw.

"Eh putangina mo naman pala eh!" Nagulat siya sa bibig nito. Palaban. "May 'beautiful lady-beautiful lady' ka pang nalalaman hindi ka naman pala hahalik ng maayos. Leche kayo! Leche kayong lahat!"

Nagsimula itong umiyak. Shit. Kasalanan niya ba 'to? Hindi niya alam ang gagawin at nakatingin na ang majority ng mga tao sa bar. They'd think it was his fault kung bakit ito umiiyak. Or worse, siya ang gagong nagpaiyak dito.

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon