[B2] Episode 20

750 41 41
                                    

💐

Tinotoo nga ni Inno ang banga nito at hindi umuwi sa mansyon. Yoon waited for him 'til the break of dawn—eyes puffy from all the crying. Naia kept asking her what the problem was but she didn't say anything. Tahimik lang siyang naghintay hanggang sa umuwi ang kanyang kasintahan. But he never did. Tinawagan pa ito ni Jarvis pero hindi ito sumagot.

She was starting to get worried. Saan ba ito nagpunta? Did he get some decent sleep? Okay lang ba ito?

All those questions kept ringing in her ear. Sobrang nagaalala siya dito and after yesterday, she didn't even know what to do anymore.

"Let's let you win, then..."

Ano ba ang ibig sabihin nito nang sinabi niya ang mga katagang iyon? Was he leaving? Breaking up with her? Ano? Nakakailang tawag ma rin siya dito but all those calls didn't even go through dahil nakapatay ang telepono nito. Where is he? Kumain na ba ito? Is he okay?

"Yoon... you should head up and sleep," pukas sa kanya ni Naia. She was in her pajamas at kitang-kita na rin ang umbok ng tiyan nito. She was already in her second trimester. Napakabilis lang ng panahon. "Hindi ka pa din kumakain—"

Napapalatak siya nang biglang marinig ang pagbukas ng pinto. Agad niyang tinungo ang foyer to check kung si Inno na ba ang dumating.

"Inno!" ani Naia. "Where have you been? Kagabi pa naghihitay sa'yo si Yoon—"

Inno completely ignored them at dumiretso lang sa hagdan. Napatingin sa kanya si Naia—clearly confused with what just happened. Isang tipid na ngiti lamang ang ibinigay niya sa kaibigan bago sinundan si Inno sa kanilang silid. Napasinghap siya nang makitang naglalagay na ito ng gamit sa loob ng isang maliit na maleta.

"Inno, where are you going?" nagpa-panic na tanong niya dito. But just like before, he ignored her.

Ganon ba kalaki ang kasalanan niya para balewalain lang siya nito ng ga'non? He didn't even listen to her properly! Bagsak na bagsak na ang katawan niya't kulang pa sa tulog.

"A-Are you leaving me?" Halos mapiyok pa siya nang magtanong. Hindi nanaman niya napigilan ang sarili lng maiyak. "Inno, please listen to me. That audio was manipulated to make it look like I'm playing with you—"

"You don't get it, do you?" anito nang bigla itong huminto sa paglalagay ng gamit sa maleta. Humarap ito sa kanya. He had dark circles underneath his eyes too. "Niloko mo ako, Yoon. You played with my feelings and for what? To prove na gago ako? Na babaero ako? I get it. You don't trust me. But that doesn't give you the right para gawing laro yung nararamdaman ko para sa'yo."

"Hindi kita pinaglaruan, Inno!" giit niya. "I admit, gusto kong patigilin noon sina Synn sa kakaasar sa'kin tungkol sayo kaya nagawa ko 'yon. But Inno, totoong mahal kita. I was just too scared to admit that to myself. Synn and Arika just gave me that small nudge. Pakinggan mo naman ako, Inno. Why is it ao easy for you to disregard my feelings?"

Hindi niya alam pero sumisigaw na siya. She was panicking. Nanginginig ang mga kamay niya't hindi na alam ang gagawin. She was so helpless. She hated that.

"Pa'no naman yung nararamdaman ko?" balik nito sa kanya. "Hindi na ba importante kung nasaktan ako sa ginawa niyo? Yung pinagmukha niyo akong tanga believing that you really did catch feelings for me?"

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon