[B2] Episode 28

754 39 17
                                    

💐

"I'm surprised you wanted to see me. Alam ba ni Inno itong ginagawa mo?"

Yoon just looked straight at Renalea without breaking in any kind of emotion. Kinontak niya ang babae to meet up with her nang lingid sa alam ni Inno. Hinintay niya ang tamang pagkakataon makapislit sa mansyon at naging posible lamang iyon nang umalis ito ubang pumunta sa opisina nito. At base sa napagusapan nila ni Tita Saturn ilang araw nang nakalilipas, it would be hard to get that chance kaya't isinagawa niya na ang kanyang plano.

And that plan was to talk to Renalea.

"Why did you save me that day?" diretsahang tanong niya sa babae sa halip na sagutin ang tanong nito. Wala siyang panahon sagutin ito't makipagkamustahan.

Sa tanong niya pa lamang na iyon ay agad na itong naging hindi komportable. Mukha rin itong balisa at tila hindi alam ang isasagot sa katanungan niya.

"I don't know what you're talking about."

Naningkit ang kanyang mga mata at pinagmasdan ng maigi ang kaharap. Nakasisiguro siyang may tinatago ito. O di naman kaya't nagkukunwari lamang itong masama. Basta may kakaiba.

"Hinila mo ako pabalik sa sidewalk, Renalea," tuloy niya. "Why? You could've just let me. Kung nabundol ako nung kotse, panigurado'y kasal na kayo ngayon ni Inno. Kaya bakit? Bakit mo ako niligtas nung araw na 'yon?"

Renalea rolled her eyes before standing up. "You know what? Wala akong oras sa makipag-usap sa'yo. Bahala ka diyan--"

"Was it guilt?" aniya sabay tayo. Natigilan naman agad ang babae sa paglalakad papalayo. "Naguilty ka ba kaya mo ginawa 'yon? Bakit? Wala ka na sanag problema. You would've had Inno. Kung nabundol ako nung sasakyan, I would've blamed him at kahit magmakaawa pa siya'y hindi ko siya mapapatawad. You had your chance. Bakit hindi mo na lang ako hinayaang masagasaan--"

"I'm not a monster, Arabella," bigla nitong putol sa kanya. Nakakuyom ang mga kamay nito. "Hindi naman ako ga'non kasama para gustuhing may inosenteng buhay na madadamay--"

"Madadamay? Saan?" Agad niyang sinundan ang babae't pinigilan ito sa pag-alis. She held Renalea by her arm. "Madamay saan, Renalea? Ano ba talaga ang balak niyo?"

Nung una'y gusto niya lamang sana kausapin ang babae tungkol sa kondisyon ng ama nito. Gusto niya lang sanang pakiusapan ito na iurong na ang gusto nitong kondisyones. Alam niyang suntok iyon sa buwan ngunit hindi siya uupo na lamang na walang ginagawa. She had to do something. Hindi pupwedeng si Inno na lang lagi ang nagsasakripisyo. Dahil mali ang tiyahin nito. He can have both. Siya at ang kompanya. At gagawin niya lahat ng kanyang makakaya para mangyari nga iyon.

"Wala kang makukuha sa'kin," anito sabay marahas sa binawi ang hawak niyang braso. Tumalikod ito agad at naglakad papunta sa pintuan.

Hindi pwede. Hindi ito pwedeng makaalis. She needs to think of something.

"Aray!" hiyaw niya sabay sapo sa kanyang tiyan. "Aaah!"

"Arabella!" agad namang dalo ni Renalea sa kanya't tinulungan pa siyang tumayo ng maayos. "Oh my God--help! Can someone please help--"

Hinigpitan niya ang kapit dito. Agad din naman itong napabaling sa kanya.

"Dalhin... D-Dalhin mo ako sa... S-Sa ospital," kunwari ay nahihirapan niyang sambit. Sana lang talaga ay convincing ang arte niya.

"Okay, okay," natatarantang sagot nito. "I'll call Inno--"

"No!" agad niyang bulalas na ikina-kunot ng noo ng babae. "I... I mean, no. D-Don't. Sa... sa ospital na lang natin... siya tawagan. Tama."

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon