[B2] Episode 12

842 43 95
                                    

💐

"Sino ba kasi may sabing akyatin mo 'yung gate? Di ka naman athletic. 'Yan tuloy napapala mo. Magdusa ka," sermon niya kay Inno habang tinutulungan itong makapasok sa sasakyan.

Dinala kasi agad nito sa pinakamalapit na clinic para mapatingin ang nabali ata nitong braso. Buti na lang at simpleng sprain lang ang natamo nito when he use his hand to break the fall. Pero kinailangan pa rin iyon lagyan ng bandage at hindi pupwedeng basain.

"Kahit baliin pa lahat ng buto ko sa katawan gagawin ko pansinin mo lang ako."

"Siraulo!"

Hindi niya napigilang mahampas ito dahil may kung ano nanamang nagbuhol-buhol sa kanyang tiyan. Napa-aray naman agad ito dahil natamaan niya ang injured nitong braso na agad niya rin namang hinimas.

Pabalik na sila ngayon ng Maynila at siya ang magda-drive since nasprain nga ni Inno yung braso niya.

"Next time don't do things like that," pangaral niya dito. "Pano kung ulo monyung unang tumama sa sahig eh di patay ka na? May utak ka diba? Paki-gamit naman from time to time."

Ngumisi ito. "Using my lines against me. Sabi na gusto mo rin talaga ako eh!"

Agad namang kumunot ang kanyang noo.

"High ka ba? Anong konek 'non?" singhal niya dito.

"Natatandaan mo mga sinasabi ko. You pay attention, ga'non," paliwanag nito.

"Hindi ba pwedeng gusto ko lang yung linya?"

"You just admitted it," nakaturo sa kanyang turan nito. "Gusto mo mga linya ko kaya gusto mo na rin ako. Basic Math. Carry one over one."

"Ano?" Hindi niya na napigilan ang kanina pa gusto kumawalang tawa mula sa kanyang bibig. "Adik mo talaga! Wala namang konek eh!"

"Meron nga sabi eh," pilit naman nito. "Damay-damay na ga'non. Gusto mo mga sinasabi ko kaya damay na siyempre yung bibig. And since parte ng mukha ko yung bibig ko, damay na rin 'yon. Siyempre nakakonekta yung mukha sa ulo't katawan so buong ako na 'yon. Thus, gusto mo na rin ako."

"Hindi dahil sa mga korny mong linya kaya kita gusto, baliw—"

Shit. Did she just unintentionally admitted she liked him?

Ang ngising konti na lang eh mapupunit na bibig ni Inno ang sumagot sa tanong niya.

"So, gusto mo nga ako..."

Bwiset talaga neto ni Inosencio!

"W-Wala akong sinabi!" tanggi niya agad. Hindi niya ito nilingon dahil baka makita nito ang namumula niyang mga pisngi. "Tumahimik ka na nga lang diyan. Hindi ako makapagconcentrate sa pagdadrive dahil sa kakulitan mo."

"Umamin ka nga, Arabella. Crush mo na din ako 'no?" pangaasar pa nito. "Sige na. Umamin ka na. Promise di kita ija-judge. Loveable naman kasi talaga ako. Gwapo na, maganda pa katawan. Walang tapon. Di ka pa lugi dahil mayaman ako."

"Anong hindi lugi? Ang kuripot mo kaya."

"Hindi ako kuripot. Praktikal ako," pagtatama nito. "Big difference."

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon