[B2] Episode 30

756 41 26
                                    

💐

"He is stable. Kailangan niya lang ng tamang pahinga. He'll be awake soon," ani ng doktor na tumingin kay Dos.

Bagaman naguguluhan, hindi na lamang nagtanong si Yoon at binantayan na lang si Mavi hanggang sa tumila ang gulo. Kaya nang kinuha ito sa kanya ni Naia—who was awaken by all that chaos, naisipan niyang puntahan ang silid nito.

Apparently Dos fainted habang may mga dokumento inaaral. Natagpuan na lamang ito ni Cole na nakahandusay sa sahig nang maisipan ng dalaga dalhan ng makakain ang kuya.

"Thank you, Ninong Santi. Pasensya po at naabala ka pa namin," ani Inno sa matanda na ngumiti lamang.

"It's okay, hijo. I'm just a few houses away from your compound," sambit nito. "Nagulat nga ako't pinasundo mo pa ako kay Yvo. Pwede naman sana akong ipag-drive ni Shin."

Napatingin siya kay Yvo na mukhang alalang-alala pa rin sa kapatid nito.

"Just tell him to take his meds," patuloy ng matanda. "Mukhang nakakalimot nanaman 'tong si Isidro. Manang-mana sa kapangalan."

"I'll remind him that, Ninong."

Maya-maya pa'y nagpaalam na ito at inihatid pauwi ni Yvo. Si Cole ay ayaw iwan ang kuya at hindi umaalis sa tabi ni Dos habang si Jarvis nama'y bumalik na sa mag-ina nito. Box and Seven also wanted to stay with Dos pero pinagalitan ito ni Inno.

Pa'no daw ba makakapagpahinga si Dos kung ang daming magpapaiwan sa silid nito? Only one can stay, sabi pa nito. Hinamon tuloy nung kambal si Cole ng bato-bato-pik.

Yung prinsesa ang nanalo. Siyempre nag-amok yung dalawa pero agad namang naka-isip ng solusyon: ang mag-camping sa may labasan ng silid nito. Nung dumating si Yvo ay sumabay pa ito.

Dumb, Dumber at Dumbest daw sabi ni Inno. Nagsleepover ang mga ito sa hallway.

Halos alas tres na nang madaling-araw sila nakabalik sa kanilang silid. Agad siyang hinila ng antok kaya't hindi na siya nakapagtanong pa sa kasintahan tungkol kay Dos.

Inaasahan niyang makakakuha siya ng sagot mula kay Inno kinaumagahan ngunit tinanghali na siya ng gising. Wala na ito sa mansyon at sa halip ay nag-iwan lang ng isang maliit na note sa nakahandang pagkain sa coffee table ng kanilang silid.

Pipikit pa uli sana siya nang biglang makarinig ng katok mula sa pintuan.

"Ate Yoon? Are you awake?"

"Oo, Cole. What's up?" aniya sabay tayo at pinagbuksan ang babae ng pinto. She was smiling.

"Pinapatanong po nina kuya kung sasabay ka da po sa'min maglunch?" tanong nito sa kanya.

"Ah, sige. Teka lang at kukunin ko yung tray—"

Agad siyang pinigilan nito. "It's okay, ate. Ako na lang. Bilin kanina ni Kuya Inno na bawal ka daw po ma-stress."

"Pero—"

Hindi na siya hinayaan ng babae magsalita at pumasok na nga ng silid sabay kuha ng tray na may lamang pagkain. Isang malapad na ngiti ang nakaguhit sa mukha nito—malayo sa nagaalala't di mapakaling itsura nito nang nagdaang kagabi.

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon