[B2] Episode 14

796 35 48
                                    

💐

"Ta-da!"

Napalunok si Yoon sabay baling kay Inno. Is he for real?!

"Feeling ko kasi nabuburo ka na doon sa pad ni Jarvis. So I thought of bringin you here tutal tapos naman na yung renovation," nakangising sambit ng lalaki sabay akbay sa kanya. "Tita Saturn said it was okay since hindi ka na rin naman daw iba. You can use the guest room pero I highly suggest na sa kwarto ko na lang ikaw tumuloy. Semi-soundproof naman ang kwarto ko."

"Inno hindi pwede," aniya agad sabay atras. Her, living in their mansion? "Nakakahiya—"

"Yoon!"

Naputol ang reklamo sana niya nang biglang lumabas mula sa gate si Naia at tinalon siya ng yakap. Bagaman maliit pa lamang ang umbok ng tiyan nito, that didn't stop Jarvis from worrying for his wife na mukhang nakalimutang buntis ang sarili.

"Naia!" gulat niyang samit habang ginantihan ng yakap ang kaibigan. "Magdahan-dahan ka nga. Mukhang mahihimatay na yung asawa mo sa pinaggagawa mo eh."

"Thanks, Yoon," ani agad ni Jarvis. "She's been very excited since this morning pagkatapos tumawag ni Kuya. Hyper din 'yan dahil kakainom ka pa lang ng kape."

"Coffee?!" Tinapunan niya agad ng masamang tingin ang kaibigan na agad naman nagiwas ng tingin. "Naia, bawal ang sobrang caffeine sa mga buntis. I know you're craving for it pero baka makasama sa baby mo."

"Hindi ko kasalanan," nakasimangot na depensa ng babae. "Pagalitan mo ang inaanak mo kasi walang ibang gusto inumin kundi kape. Coffee guy na nga yung tatay, coffee baby pa siya."

Hindi niya napigilang matawa sa tinuran nito.

"Okay, fine," sagot niya dito. "I'll let it slide for now. Pero huwag mamimihasa. Kahit buntis ka dadagukan kita."

"Yes,'ma," tumatawang sagot nito bago kumapit sa kanyang braso. Ang cute nitong tingnan with her yellow summer dress and matching hair ribbon. Nagra-radiate din ito dahil na rin siguro sa sinasabi nilang "pregnancy glow". Mapapa isang malaking 'sana all' ka na lang.

"Let's go inside," biglang sambit ni Jarvis na nakuha na pala ang maleta niya mula sa kotse. Si Inno naman ay hawak ang iba pang gamit nito. "Kanina pa nagaabang yung mga bunso sa pagdating mo, Yoon."

Mga bunso? So that meant Seven, Box and Yvo. Does that mean hindi pa rin nagpapakita si River?

"So wala si Dos dito ngayon?" tanong niya kay Naia. Umiling ito.

"Nasa Amerika ngayon si Dos," tipid na tugon nito. "Uh, business. Alam mo na."

"Ah... okay?" Tumango-tango lang siya. Then she proceeded to her actual question. "Si River? Bumalik na ba siya?"

Muli, umiling nanaman si Naia. But this time there was a sudden flash of sadness in her eyes. She sighed. Mukhang wala pa rin itong balak magpakita sa kanila. She hopes he's okay—

"Andito naman ako tapos kung sinu-sino hinahanap mo, babae," nagtatapong sambit ni Inno. "Nakakasakit ka ng feelings."

"Nag-aalala lang ako sa pinsan niyo, ano ka ba," aniya sabay irap. "Ang drama mo talaga kahit kelan. Daig mo pa babae."

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon