[B2] Episode 4

823 45 58
                                    

💐

"Ano? Naaalala mo na 'yung kalandian mo?"


Hindi inalis ni Yoon ang tingin kay Inno na mukhang gulat na gulat sa kanyang pasabog. Wala eh. Siya pa ang babaliktarin nito so might as well just tell him everything.


"It's not what it looks like—" Inno was about to touch her arm pero agad siyang umiwas dito.


"Ang weird lang talaga 'no? Nagkrus ang landas natin dahil sa panggagago nung ex kong si Fred," aniya sabay tawa ng pagak. "Tapos ikaw—who was starting to have feelings with before eh ginawa 'din 'yon saakin. Ano ba 'yan, may magnet ako para sa mga gago? Nakakaloka."


"Arabella, will you please let me explain—"


"What for?" supalpal niya agad dito. "Apat na taon na ang nakakalipas, Inno. It's all in the past. Okay na ako. Okay ka na rin. And we're friends. So you don't have to explain yourself dahil tanggap ko na yung pagiging malandi mo—"


"Nakita mo bang magkadikit yung mga labi namin, Arabella?" putol nito sa lintaya niya. "Did you actually see me kissing her?"


Natigilan siya bigla. All she saw was him leaning to that girl. Hindi niya nga nakitang magkadikit ang mga labi nung dalawa pero obvious naman kasi sa posisyon ng dalawa na naghahalikan sila. Tsaka hindi naman siya masokista para tumayo lang doon tapos panooring naghahalikan yung taong gusto niya saka babaeng tipo nito.


"Hindi pero obvious naman sa posisyon niyo!" giit niya. "Hawak mo pa nga mukha niya eh. And you hugged her before that. Kitang-kita ko!"


Inno let out a heavy sigh before combing his hair back. Then he folded his arms in front of her.


"Mali ang nakita mo," anito. "I wasn't kissing her. Oo inaamin kong malandi ako pero sa mga babaeng trip ko lang. I don't fool around with family."


Ano daw? Family?


"What?"


"Oo. Family. Yung babaeng nakita mo eh si Cole 'yon. Pinsan ko sa side ni mama," paliwanag nito. "We saw each other sa may café dahil sa UDSA din siya nagaaral. I hugged her because matagal na kaming hindi nagkikita. And akala mo lang naghahalikan kami pero tinulungan ko lang siya tanggalin kung anong nakapuwing sa kanya. Is that the reason why inis na inis ka sa'kin? Because you thought I was a cheater?"


Napamaang siya. What? All these years na inisip niyang manloloko ito... hindi pala totoo? Na mali lang 'yung pagkakaintindi niya sa sitwasyon?


"Ano, Arabella?" pukaw nito sa kanya. "You assumed the worst in me and didn't even have the decency to at least confront me about it."


"Eh malay ko ba kung magdadahilan ka lang? How would I know na pinsan mo 'yon. And pinsan ba talaga? Masyado naman far-fetched 'yang kwento mo—"


"But it's the truth!" giit nito. "You can even ask Jarvis about it. Kung gusto mo pa nga eh pwede natin siya puntahan eh. Ano, gusto mo ng birth certificate? Family tree? Magsabi ka!"


"Malay ko ba kung kakuntsaba mo kapatid mo? Birth certificate? Eh wala naman 'dong makakapagpatunay na magpinsan kayo! Ang dali-dali din mapeke ng family tree! Grade one nga nakakagawa niyan tapos ang asawa ng nanay eh artista," pagdidiin niya.


Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon