[B2] Episode 17

842 36 70
                                    

💐

Maagang nagising si Yoon nang araw na 'yon. Pero itong si Inno, ayaw siyang pakawalan at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya. It didn't help na wala silang saplot sa ilalim kaya ang naging ending ay late na sila pareho so they decided to just cancel their morning schedules at manatili na lamang sa loob ng silid.

"You know, you should definitely stop seducing me this early in the morning," aniya habang nakadapa sa ibabaw nito at nilalaro-laro ang daliri sa dibdib ng kasintahan. "Malulugi tayo pareho dahil sa ka-harutan mo."

"Okay lang," sagot naman nito habang inaayos ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha. "As long as I get to spend time with you, kahit ibenta ko na yung kompanya pati yung shop mo. Para wala nang sagabal."

"Gago," singhal niya dito. "Eh di naghirap tayo pareho niyan."

"Love, kahit pa siguro apo ng mga apo natin eh magiging kompurtable ang pamumuhay kahit hindi na magtrabaho sa yaman na meron ang pamilya namin," paliwanag nito sabay ngisi.

Magaang tinampal niya ang dibdib nito. "Hindi ka naman mayabang eh 'no?"

"I'm just proving a point, love." Nagkibit-balikat lamang ito sabay halik sa kanyang pisngi. He always does that. Kiss her. "Saka hindi pagmamayabang ang pagsasabi ng totoo. Nagmumukha lang kasi I have more than what average people have. Kahit yung ano ko nga above average eh—"

"Hoy gago."

Isang magaang tawa lamang ang isinukli ng kasintahan bago inabot ang kanyang kamay at pinagsalikop ang mga ito. Then gently placed a kiss on it.

"Mahal mo naman," kampanteng sambit ni Inno sabay ngisi. Inirapan niya lang ito bago napagpasyahang tumayo. Pero agad naman siyang napigilan nito't naibalik sa dating posisyon. "Hep hep hep. San ka pupunta? I thought we agreed to stay in the whole morning?"

"Bakit, bawal na ba kumain?" balik niya dito. "Gutom na 'ko, Inosencio. At least feed me after all that exercise."

Tumaas ang isang kilay nito. "Exercise?"

"Ewan ko sa'yo, gago."

Bimitiw siya dito't tumayo. She didn't even bother covering up dahil ano pa ba ang itatago niya dito? But before she could get one shirt from the floor, napasigaw siya.

"Inno!"

Ngingiti-ngiti lang ang demonyo after slapping her... her behind. Isang irap ang ibinato niya sa lalaki bago ipagpatuloy ang paghahanap ng Tshirt at shorts bago tuluyang lumabas ng silid.

Maya-maya ay napadpad siya sa kusina kung saan nabungaran niyang nagluluto si Yvo at may kung anong bagay sa ibabaw ng kitchen island wrapped in a blanket.

"Konting tiis na lang, baby. Your pancakes will be finished soon," rinig niyang sambit nito. Nangunot ang noo niya. Sinong kausap nito—

Napasigaw siya nang biglang umungol ang kung anong nasa ibabaw ng kitchen island. That was when Yvo finally noticed her presence.

"Ate Yoon!" gulat na bulalas nito. "Good morning. Wala kang trabaho ngayon?"

Hindi niya sinagot ang tanong nito't sa halip ay tumingin sa bagay—o taong, nasa kitchen island.

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon