[B2] Episode 24

786 45 30
                                    

💐

Yoon lived the life of a hermit. Kinulong niya ang sarili sa kanyang condo at occasionally na lamang lumalabas.

After Inno's engagement to Renalea was announced, bigla na lang nag-shutdown ang buo niyang sistema. How she managed to get out of that party was still unknown for her. Kahit ilang buwan na ang nakalipas, isang malaking question mark pa rin sa kanyang isipan kung pano niya kinayang mag-drive pauwi.

She hasn't cried. Nagtataka siya kung pano pero, hindi pa talaga siya umiiyak mula ng gabing 'yon. Siguro dahil inexpect niya nang mangyayari iyon. O di kaya eh naubos na talaga yung luha niya from crying her eyes out before. Pwede rin namang namanhid na siya sa sakit.

It was time for her daily exercise. Napahawak siya sa kanyang tiyan—which was bigger now at mas kita. Dati ay kino-compare niya ito from what she saw with Naia dahil parang mas malaki yung kanya. Turns out she was indeed bigger dahil hindi lang isa ang dinadala niya kundi dalawa. She was having twins. Di lang agad nakita sa unang ultrasound niya.

Simpleng mga stretching ang ginagawa niya on a daily basis para mainat lang ang kanyang mga buto at maiwasan ang cramps. Bumibisita din sa kanya ang ina from time to time na naging malaking tulong sa kanyang pagbubuntis.

Lagi siya nitong pinipilit na umuwi na kasama nito sa probinsya para mabantayan ng mas mabuti ngunit hindi pa pwede dahil mahihirapan siya sa pagbabantay ng shop niya. But once she enters her third trimester ay doon na siya sa ina mamamalagi hanggang sa makapagpanganak.

Hindi na naglabas ng statement ang kampo ni August tungkol sa issueng kinasangkutan dahil madali naman itong nawala na barang bula. Wala din namang naging threat sa buhay niya kaya't hinayaan na lamang niya iyon. Naging maingat na lang siya sa paglabas-labas ngunit iniwas niya din naman iyon. Buti na lang talaga at ang condong tinutuluyan niya ay may mini-mart din sa baba.

Napadako ang kanyang tingin sa telebisyon. Yes, she also managed to buy herself a TV aside sa ginagamit na ref ngayon. She still sleeps on the mattress on the floor though. Pero sa makalawa'y baka dumating na yung inorder niyang bedframe.

Two weeks ago ay napanood niya ang balita tungkol sa nalalapit na kasal ni Inno and Renalea. It seems like sobrang proud ni Senator Ibañez sa balitang iyon kaya every time he gets the chance ay binabalandra niya ang supposed engagement ng anak nito.

At kung tama ang tantiya niya, today's the day of their union. Ngayon ikakasal ang dalawa and she'd be lying if she say it doesn't hurt. Dahil ang sakit. Sobrang sakit.

Today could've been their wedding day. Or kung hindi man, sana'y kasama niya pa rin ito. Kung hindi lang nangyari ang mga nangyari, suguro ay masaya pa rin sila at excited na sa paparating na mga anak.

Pero hindi eh. Dahil sa pagiging in-denial niya noon at lecheng trust issues, nawalang parang bula ang lahat. Nagkanda leche-leche na. Or kung nung una pa lang siguro sinabi niya na iyon kay Inno, hindi na hahantong sa ganito ang lahat.

Would it be different? Siguro tampo lang ang mararamdaman nito tulad nung sa hinalikan niya ito sa party ni Dos noon. Siguro hindi sila hahantong sa ganito.

Maya-maya pa'y napukaw ang kanyang atensyon nang may biglang mag-doorbell. Who could that be? Hindi naman nagpasabi ang kanyang ina nabibisita ito. Baka si Synn.

Muling nag-doorbell ang tao sa kabilang side ng pinto. Nangunot ang noo niya dahil parang batang paslit itong inuulit-ulit ang pagdo-doorbell. Impatient lang ga'non?

Kissing Mr. Not-So Perfect - Montecillo Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon