CHAPTER 6

52 8 0
                                    

06: Just A Bad Day

Luna's POV

PADABOG akong bumaba ng hagdan habang pinapadausdos ang dulo ng aking katana sa sahig. Lumikha iyon ng napakatinis na ingay dahilan para sunod-sunod na magsidatingan ang mga kasambahay.

"Y-Young Lady... Ano po iyang hawak niyo?" Nauutal na tanong ng babaeng maikli ang buhok. Halata sa kaniyang mukha ang kaba nang humarap ako sa direksiyon niya.

"Y-Young Lady... Ano pong pinaplano niyong gawin?" Sabat pa ng isa kaya lumipat sa kaniya ang paningin ko. Nanginginig ang dalawa niyang kamay kaya nang mapansing nakatingin ako roon ay itinago niya ito sa kaniyang likod.

Kumunot ang noo ko. Nakaharang silang lahat sa dulo ng hagdan at hindi ako makalampas. Ni wala ngang kumilos para padaanin ako.

Ano bang trip nila?

"Get lost before I slit all your throats." Pairap kong asik.

Nagsikilos agad sila at tumakbo sa kung saan sila malapit para makalayo sa akin.

Kita nang dadaan ako, haharang-harang. Tss.

Naglakad na ako papuntang kusina at asar na kumuha ng gatas sa ref. Binuksan ko ang kitchen cabinet at naghanap ng cereals. Kumuha ako ng bowl at pinaghalo 'yon atsaka nagtungo sa mesa para kumain.

"Noona! Marjo told me what you did, you scared them!" Sulpot ni Sirius sa harap ko. Kumuha siya ng kutsara at pasimpleng sumandok sa bowl ko.

"I told you not to talk to them, right?" Walang emosyon kong sabi.

He stopped functioning for a second.

"Mian." Sorry. Bulong niya.

Sinabihan ko siyang huwag makipag-usap sa mga kasambahay dahil malamang mga walang kwenta lang ang sasabihin nila. Naiisip ko pa lang na sinisiraan nila ako kay Sirius, ang sarap na agad nila tagain.

Isa pa ang Marjo na 'yon, nahuli ko siya noong nakaraang araw na sunod nang sunod kay Sirius. Panay pa ang daldal, tss. Halatang may ibang nais, e.

"But still, you should've not done that. Bakit ba kasi bumaba ka habang dala mo 'yan?" Tukoy niya sa katana ko.

Itinaas ko iyon at ipinatong sa mesa. Mabuti at hindi babasagin ang mesa rito sa dining area kaya hindi ko nasira.

"Can you see this?" Itinutok ko pa ang parteng tinutukoy ko sa sinag ng araw na tumatagos sa bintanang nasa gilid namin kaya kuminang ito.

"B-Blood stain?" Gulat niyang tanong.

"You know I hate people touching what's mine. Someone went to my room and held this wrong. So definitely, she was hurt." Nanggigil na naman tuloy ulit ako.

Akala niya siguro peke 'tong katana ko kaya niya hinawakan sa patalim, tss.

"Do you have any idea who that person is?" Tanong niya pero hindi ako sumagot.

Tinignan ko lang ulit ang katana ko at ngumisi.

Siguradong mahihirapan siya ngayong maghugas ng pinggan.

*****

"MWO?!" Sabay naming sigaw ni Sirius kay Mang Jose.

"P-Po?" Takha niyang tanong. Mukhang hindi naintindihan ang sinabi namin.

Nakakainis kasi 'to si Sirius. Isang linggo na rito sa Pilipinas at marunong nang magsalita ng tagalog pero nagk-korean pa rin. Nahawa tuloy ako, tss.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now