CHAPTER 43: MINKYU

17 5 0
                                    


Luna's POV

"Noona, sigurado ka bang kaya mo nang magmaneho?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Sirius nang tanungin niya ako.

"Nakapagmaneho nga ako papuntang Cafarella kahapon, ngayon mo pa ba ako tatanungin?" Sagot ko at pasimple siyang inismiran.

"I'm just worried, okay? Baka madisgrasya tayo kapag bigla kang umaray diyan." Aniya sabay irap kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Tigil-tigilan mo 'ko sa kaiirap mo, Helios. Baka gusto mong mag-commute papasok ng University?" Seryoso kong sambit kaya agad naman siyang sumimangot.

"Mian." Sorry.

Pinagana ko na ang makina ng sasakyan at siya naman ay sumilip na lang sa labas ng bintana. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya kaya maski ako ay napahinga nang malalim.

"Hindi ko hahayaang mapahamak ka ulit nang dahil sa akin, isuksok mo 'yan sa kukote mo." At tuluyan na akong nagmaneho palabas ng mansion.








"Hi, Lun—what happened to your leg?" Pagpasok ko pa lang ng classroom ay sinalubong na ako ni Ylah.

"Nagalusan lang." Simple kong sagot at naupo na sa designated seat ko.

"Nagalusan pero nakabenda?" Sarkastiko niya pang sabi.

"I'm fine. If you're worried, you don't have to. If you're not, you really don't need to." Pagkaklaro ko.

Sumimangot na lang siya at naupo na sa harapan ko pero wala pang isang minuto ay nilingon niya ulit ako.

"By the way," itinuro niya ang leeg ko. "I didn't know that you like yellows." Pigil ang tawa niyang wika.

Wala sa sarili kong nahawakan ang scarf na ipinahiram sa akin ni Minkyu noong nakaraang Linggo.

"Now you know." I chuckled as I looked outside the window.

Nagpatuloy ang klase hanggang sa hindi ko namalayan ang oras. Lunch na nang muli akong mapatingin sa puno na nasa labas. Naiwan akong nag-iisa sa classroom kaya nakakuha ako ng pagkakataong tawagin si Hiro.

"Miss me?"

Napalingon agad ako nang may bumulong sa aking tenga pero sa hindi inaasahang pangyayari ay dumampi ang labi ko sa kaniya.

Gulat akong napatayo at umiwas ng tingin.

"S-Sa susunod na magpapakita ka, sa h-harap ko para hindi ako nabibigla." Uutal-utal kong sabi kaya mas lalong nag-init ang mukha ko.

"Sulitin mo na lang baka wala nang kasunod." Aniya habang nakangiti pa rin.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Atsaka bakit ka pa mabibigla? Parang hindi naman natin 'yun ginawa kagabi—"

Bago niya pa matapos ang sinasabi niya ay nag-walk out na agad ako. Malamang ay pulang pula na ang buong mukha ko dahil sa magkahalong hiya at kilig.

Hindi niya naman kailangang ipamukha sa akin na ginawa namin 'yon kagabi. Alam ko naman 'yon! No need to remind me! Aish!

Habang pababa ng hagdan ay may naramdaman akong humawak sa kamay ko. Nilingon ko 'yon agad at nang mapagtantong si Hiro iyon ay agad kong binalik sa daanan ang paningin ko. Itinago ko rin sa bulsa ng university coat ko ang magkahawak naming kamay para hindi awkward sa mga nakakakita sa akin.

"Mahapdi ba?" He asked at para akong adik na biglang natisod kahit wala namang nakaharang sa inaapakan ko.

"H-Hindi." Mabuti na lang at naibalanse ko nang maayos ang katawan ko kaya nakapaglakad ulit ako na parang walang nangyari.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now