CHAPTER 44: GOODBYE

34 6 2
                                    


Luna's POV

Nandito na kaming tatlo sa parking lot. Sa sobrang bilis ng oras ay hindi ko namalayang uwian na pala.

Kasama ko si Cloud na may suot na earphones at si Minkyu na—lutang.

Actually, pati kaninang lunch ay hindi namin siya makausap ng matino ni Cloud. Parang sobrang lalim ng iniisip niya. Ang weird niya talaga, grabe. Kapag tinatanong, panay ang iwas at pananahimik. Kahit kasama namin siya ay para lang rin siyang hangin. Ano pang sense na nag-effort siyang pumunta sa building namin para maglunch kung tatahi-tahimik siya at hindi umiimik.

Kakaiba ang mood swing ng lalaking 'to.

"So ano? Kitakits na lang tayo don?"

Tinanguan ko si Cloud at sabay-sabay kaming pumasok sa sari-sarili naming mga kotse.

Habang nasa biyahe ay naisip ko bigla kung ano ang dahilan ni Hiro kung bakit niya kami pinapapunta roon? May pinaplano ba siya?

Bumibilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Kinakabahan ako.

"Hiro?" Hindi ko na napigilang tawagin siya kahit na ang binilin niya sa akin ay wag na wag ko siyang tatawagin.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil walang Hiro na nagpakita.

Ang huli naming pagkikita ay kanina pang umaga bago ako pumasok. May kakaiba sa mga kinikilos niya kanina na mas lalo lang nakapagpakaba sa akin.

Marahas akong umiling para balewalain lahat ng bumabagabag sa isip at damdamin ko ngayon. Siguro ay nago-overthink lang ako.

Nasa harapan ko ang kotse ni Cloud at nasa likuran ko naman si Minkyu. Napaisip na naman tuloy ako kung paano makikita ni Cloud si Hiro mamaya.

Isa lang ang kwintas at para iyon kay Minkyu para makita niya si Hiro. Kaso si Minkyu! Kapag kasama ko si Minkyu, hindi ko nakikita si Hiro!

Ang gulo ng magiging set-up mamaya. Ano naman kayang plano ni Hiro?

Nag-ring bigla ang phone ko at nang makita ko ang pangalang nagflash sa screen ay agad ko iyong sinagot.

"Oh Cloud."

"Mauubusan na ako ng gas, mauna na kayo ni Minkyu. Sunod na lang ako." Aniya.

"Okay, sige. Ingat ka. Tawagan mo na lang rin si Minkyu."

"Okay, ingat ka din."

Mabilis kong pinatay ang tawag para maunahan siya. Natawa na lang ako sa ginawa ko. Hindi na siguro mawawala ang ganito kong pag-uugali.

Napahawak ako sa leeg kong hindi na nababalutan ng kulay dilaw na scarf ni Minkyu. Tinignan ko iyon sa backseat. Balak kong isauli kay Minkyu iyon pero humahanap pa ako ng timing. Nakakahiya kasi lalo na't nahuli niya akong may hickey. Buti nga at wala na akong ganun ngayon e. Pinilit kong tanggalin kagabi at ginawa ko lahat para lang mawala.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa sementeryo. Walang tao at medyo madilim ang ulap, hudyat na baka umulan maya-maya. Mukhang mali ang araw na napili ni Hiro.

Bumaba ako ng kotse kasunod si Minkyu. Tinangay ng malakas na hangin ang buhok ko kaya agad ko iyong hinawakan para di makawala.

"Ano ba talagang gagawin natin dito?" Sa wakas ay nagtanong din siya.

"Hindi ko alam... basta... kailangang nandito ka." Nasabi ko na lamang atsaka mabagal na naglakad palapit sa puntod ni Sky.

"Hindi mo alam? Seryoso ka ba?"

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now