CHAPTER 37: DIANNA

12 6 0
                                    


Hiro's POV

"FATHER RENZ!" Sigaw ko at patakbong pumasok sa chapel.

"Bakit ka ba sumisigaw bata ka? Anong problema? Bigla ka na lang naglaho habang nag-uusap tayo kanina. Saan ka ba nanggaling?" Salubong ang kilay na tanong niya sa akin nang makapasok ako sa kaniyang opisina.

"Pinuntahan ko si Luna!"

"Oh tapos? Anong nangyari? Bakit ganiyan ang itsura mo?"

"Muntik na siyang magpakamatay!"

"Ano?!"

"Pero saktong pagdating ko ay napigilan na siya ng isa niyang kaibigan."

"Oh, mabuti at napigilan siya agad. Kung hindi ay nagbabagang apoy ang sasalubong sa kaniya sa kabilang buhay at ikaw naman ay mabibigo sa misyon mo—makakatanggap ka rin ng parusa dahil hindi mo siya naprotektahan..."

"Alam ko naman po 'yon..."

"Kamusta na siya? Nagkausap na ba kayo kung bakit hindi mo siya pinuntahan nitong nakaraang araw?"

"Hindivnga po e..."

"Ha? Akala ko ba ay nanggaling ka na roon?"

"Iyong kaibigan niya kasi na 'yon... may kakaiba sa kaniya na hindi ko maipaliwanag kung paano nangyayari." Naglakad ako paupo sa sofa at sinapo ang aking noo.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kapag magkasama silang dalawa... hindi ako nakikita ni Luna... kahit nasa harap niya na ako."

Hindi nakasagot si Father Renz at tila malalim din ang iniisip.

"Kung hindi siya dumating... magkakausap na sana kami ni Luna... ako sana ang magpapatahan at magpapakalma sa kaniya..."





Luna's POV

Pumayag si Minkyu sa kasunduan namin na sa aming dalawa na lang ang nangyari sa rooftop pero kapalit niyon ay ang pagpitik niya sa noo ko. Hindi rin nawala ang sermon pang-kaibigan niya sa akin.

Tulad ng, "Sabihin mo sa akin kung gusto mo na talagang magpakamatay, ako na mismo ang sasaksak sa'yo para hindi ka na mag-effort!"

Oh diba, may kwenta.

Like what Chairman said, papasok na ako ngayon. Pinalinis na ni Appa ang kotse ko dahil sa nagkalat na dugo sa upuan nito. Dugo ni Sirius...

Pagpasok ay wala akong pinansin kahit sino. Maski si Ylah na binati ako ay pilit ko lang na nginitian. Dumaan ang oras nang hindi ko napapansin. Nililipad talaga ang isip ko pabalik sa hospital, hindi ko mapigilan kahit anong gawin ko.



LUNCH TIME.

Tinext ako ni Minkyu na nasa baba raw siya ng Medbuild. Pinuntahan ko siya at sabay kaming nagtungo sa cafeteria.

"Gwaenchanna?"

"Ne. Nan... gwaenchanna."

"Naligo ka ba?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Mukha bang hindi?" Inis kong tanong pabalik.

"Tss, nagtanong lang e. Init ng ulo mo."

"Marami akong iniisip, Minkyu. Alam mo yan."

"Alam mo kung bakit marami kang iniisip?"

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now