CHAPTER 25: PUNISHMENT

15 7 0
                                    


Luna's POV

"Huling huli na siya't lahat lahat, nagsisinungaling pa rin." Dinig kong bulong ni Cloud.

"Tapos na ang plano. Ngayon, alam na ni Dean ang totoong nangyari. Sigurado akong hindi niya ako bibiguin." Nakangiti kong sabi habang naglalakad palayo ng Dean's office.

"Ano naman kayang mangyayari kay Haylee?" Sabay kaming napatingin kay Minkyu. Nakatingin lang siya sa coat niya habang naglalakad.

Hayst.

"Bakit mo pa iniisip yun? Batas na ang bahala sa kaniya." Si Cloud ang sumagot.

"Oo nga pero—molla, nan jeongmal pigonhae." At isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan.

"Ano raw?" Bulong sa akin ni Cloud.

"Pagod na raw siya." Sagot ko.

Sinubukan kong tignan ang mukha niya dahil mas matangkad naman siya sa akin at nakatungo pa.

"W-wae?" Naiilang niyang tanong.

Ibinalik ko sa daanan ang mga mata ko.

Siguradong nalulungkot siya para kay Haylee.

"Nakokonsensiya ka 'no?" Panghuhuli ko. Kita ko pa rin siya sa peripheral vision ko kaya pansin ko ang biglaan niyang pagtingin sa akin.

"H-hindi naman sa ganun..."

Reason, tss.

"Sorry." Mahina kong sambit. Napahinto silang dalawa sa paglalakad kaya napalingon ako.

"Bakit ka nags-sorry?" Pinagkrus pa ni Ulap ang dalawa niyang braso.

"Hindi ako nags-sorry dahil pinagsisisihan ko yung ginawa natin kay Haylee." Sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya at pagkatapos ay si Minkyu naman ang tinignan ko, "Sorry kasi nadamay pa kayong d-dalawa."

Ginulo ni Cloud ang buhok ko kaya inis ko siyang tinignan.

"Ayos lang, desisyon naming tulungan ka." Nakangiti niyang sabi.

"Oo nga, Luna. Pumayag naman ako sa plano. Wag ka nang mag-sorry." Dagdag naman ni Minkyu.

Nilapitan ko siya at kinuha ang coat niya.

"Ako na magpapalaundry neto." Sambit ko.

"No need, meron kami sa bahay." Tanggi niya at muling kinuha yung coat niya sa kamay ko.

"Hindi ako kasing stupid ni Haylee para isiping wala. Let me do this para makabawi ako sayo. Dahil sa plano kaya nangyari 'to." At muli ko iyong inagaw sa kaniya.

"Ayoko pa ring ipa-laundry mo." Tinaasan ko siya ng kilay.

Anong ibig niyang sabihin?

"Gusto kong ikaw ang maglaba niyan." Nakangisi niyang sabi.

Pinanlakihan ko siya ng mata.

Ako? Ang maglalaba neto?

"W-wag na pala. Okay na yung simpleng thank you sayo diba?—"

"Walang bawian! Labhan mo yan bilang pasasalamat!" At nagtawanan silang dalawa ni Cloud. Nag-apir pa ang mga baliw.

"Alright, fine. Tara na." Nauna na akong maglakad sa kanilang dalawa at hindi pa rin sila magkamayaw sa pang-aasar sakin.

"Ang swerte ko naman, isang Luna Francia ang maglalaba ng uniform ko."

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now