CHAPTER 33: REAL HIRO

14 5 0
                                    


Luna's POV

"Jeongmal gwaenchanna?" Are you really okay?

Pilit akong ngumiti at tumango.

"I'm more than okay, Appa. Stop worrying."

"Pero Noona... nakatakas 'yong isang kasabwat ni Haylee... what if balikan kayo niyon?" Sabat ni Sirius.

"Malabo. Hindi na siya bayad e."

"B-bayad? Anong ibig mong sabihin, Noona?"

Ibinaba ko ang kutsara't tinidor ko atsaka uminom ng tubig.

"Binayaran lang ni Haylee ang dalawang lalaking 'yon. Iyong isa, minalas kaya nahuli, iyong isa naman, sinwerte kaya nakatakas pero hindi niyon mababago ang katotohanang pareho silang duwag." Sambit ko atsaka umiling habang nakangisi.

"How about your friends? Ayos na ba sila?" Tanong ni Appa.

Tumango naman ako.

"I called Cloud. He's definitely fine... but Minkyu..." I sighed. "Kung sino pa ang ayaw saktan ni Haylee, iyon pa ang dinugo."

Nabulunan si Appa kaya inabutan siya ni Sirius ng maiinom.

"Luna, anak... you better read tagalog novels more, araseo?"

"Tss, ne."

Nagpatuloy na kami sa pagkain ng dinner at hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Tinutugis pa rin ng mga pulis 'yong nakatakas. Si Haylee naman ay nasa prisinto na ngayon.

Mr. Henry Salvador refused to give any statement about her daughter's craziness. Nabalita kasi ang nangyari at mabilis na kumalat sa buong Fuentablo.

"Let's talk, Luna."

Muli kong tinignan si Appa.

"Eodi?"

"Office." At tumayo na siya.

Tinapos ko lang ang pagkain ko at sumunod na sa kaniya sa taas. Naiwan si Sirius doon na hindi matapos-tapos sa pagkain dahil chicken curry ang ulam.

Pumasok ako sa office ni Appa at pabagsak na naupo sa malambot 'nitong sofa. Isinandal ko ang ulo ko sa likod at pumikit saglit.

"I'll make it fast since I know you're tired." Ani Appa at naupo sa kabilang sofa na nasa harapan ko.

"Sobra, pinagod ako ng Haylee na 'yon." Inis kong sabi at pinagdikit ang kamay ko para ie-strech.

"You're seeing him again, right?"

I stopped at dahan-dahang naupo nang maayos. I'm not that stupid para hindi malaman kung sinong tinutukoy niya.

"Yes..." Wala na rin naman akong balak magsinungaling. Hindi ko nga ugali ang hindi magsabi ng totoo. Siya na rin naman ang nagtanong kaya hindi na ako mage-effort na umamin pa.

"He's nice."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Appa. Ano bang ibig niyang sabihin?

"I talked to him a while ago bago ako sabihan ni Manang Selda na nasa TV kayo."

Hindi ko pa rin maintindihan. Bakit niya kinausap si Hiro? Paano? Paano niya nakausap at nakita? Dati naman hindi niya nakikita si Hiro kahit kaharap niya na. Ang gulo.

"I know you're curious on how I talked to him." May ngiti sa kaniyang labi na mas nakapagpagulo sa akin.

Pinapalayo niya ako kay Hiro dati. Bakit parang hindi na siya nagagalit? Anong nangyari? Ano bang pinag-usapan nila?

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now