CHAPTER 13

24 8 0
                                    

13: A Mother

Luna's POV

Sunday morning. Wala pa ring bago. Alam kong nahahalata na ni Sirius na umiiwas ako kay Appa pati sa kaniya at sa ibang mga kasambahay. Nagpapahatid lang din ako kay Manang Selda ng pagkain dito sa kwarto ko. Sinasabay ko lang sa pagpasok at pag-uwi si Sirius pero hindi ako nagsasalita para kausapin siya.

Lahat naman ng tao sa school ay hindi maiwasang lingunin ako kahit saan ako pumunta. Pinag-uusapan nila ako na parang walang katapusan at tila ba hindi ko sila naririnig. I'm doing my best to ignore them all, even though I desperately want to defend myself. But if I do that, they'll think I'm using my power against them and report me to the office again. Just how unfair could things be for me? I couldn't even shield myself from their slanderous gossip. Yes, they're discussing the truth, but they don't have to do so every time they see me, which is almost every day!

I am not allowed to use power daw sabi ni Appa. Kung hindi lang ako kinausap ni Hiro last Tuesday ay hindi ko susundin 'yan.

Nakatatawang isipin pero may sinabi si Hiro sa akin na nakapagpabago ng mindset ko.

"Even if you are in pain right now, everything will still be fine in the end."

Wala naman sigurong masama kung ayun muna ang panghahawakan ko ngayon.

Lumabas ako ng mansion at nagtungo sa hardin. Si Margo agad ang nakita ko roon. As usual, pinag-uusapan na naman nila ako. Sinilip ko saglit kung sino-sino silang nandoon at napangisi na lang ako nang mapansing kasama nila si Faith.

"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo noong nakaraang araw? Anak sa labas si Young Lady?" Hindi makapaniwalang tanong ni Marjo kay Faith.

"Oo nga, narinig ko mismo sa labas ng office ni President Hwang."

The moment I saw her outside that day, alam ko nang mangyayari 'to.

"Kung ganun ay napakalakas ng loob niyang yabangan tayo. E, anak naman pala siya sa labas!" Asik ng isang babae na tila inis na inis sa akin.

"Napakasama ng ugali niya. Ang laki ng ulo, puro hangin at kayabangan naman pala ang laman." Dagdag pa ng isa pagkatapos ay nagtawanan na silang apat.

I walked closer towards them. Wala naman akong balak manakit kahit pa gustong gusto ko na silang pagbuhulin. Siguro ay kakalma lang ang dugo ko once na makita ko rin silang mainsulto.

Unang natahimik iyong dalawang hindi ko alam ang pangalan habang patuloy pa rin sa pagtawa sina Marjo at Faith. They're not looking in my direction, so they're completely unaware of my presence.

"It seems you guys are having fun." Agad na napalingon sa akin si Faith at sunod naman si Marjo.

"Kayo pala, 'Young Lady'." Nakangising bati ni Marjo. Talagang in-emphasize pa ang pagkakatawag sa akin.

I kept my cool and remained emotionless.

"NAGDILIG ka na ba?" I also emphasized my first word para ipamukha sa kaniya ang posisyon niya rito sa mansyon.

Much more, status in my life.

"Katatapos lang po naming magdilig." Sagot ng isang babae.

"That's good." Kunyari kong papuri. "Where are you guys studying pala? Magkakaklase ba kayo or schoolmate lang?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Bakit niyo po natanong?" The other girl asked.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now