CHAPTER 15

22 7 0
                                    

15: Holding Hands

Luna's POV

"Alone?"

Hindi ako sumagot. Kahit nasa tapat ko si Hiro, hindi ko pwedeng sabihing may kasama ako.

"Nakapag-decide ka na ba?"

I sighed. I really want to shut him up pero ayokong magkasagutan na naman kami ni Appa dahil sa paggamit ko ng power.

Hinila niya ang upuan kung saan nakaupo si Hiro. Bahagyang kumunot ang noo ko nang hindi niya ito mahila, parang nabibigatan. Pinanlakihan ko ng mata si Hiro pero umiling lang siya na parang bata habang nakakunot ang noo. I tilted my head a little bit as I gave him a death glare. In the end, padabog siyang tumayo kaya naman pati si Cloud ay nagulat sa pwersang bumalik sa kaniya dulot ng malakas na paghila.

Napailing na lang ako nang maglaho na naman si Hiro.

"Weird." Bulong ni Cloud na halatang nagtaka sa nangyari.

"Bukas na lang kita sasabihan." Pag-iiba ko ng usapan para bumalik sa akin ang atensyon niya.

"Sige lang. By the way, can I join you?" He asked after sitting down.

"I would like to disagree pero nakaupo ka na. Ayokong magmukhang bastos at walang modo dahil senior pa rin naman kita, so fine... ako na lang ang lilipat." Tumayo na ako para sana umalis nang tumayo rin siya.

"Ayos lang, ako na lang ang lilipat. Sorry... basta i-text mo ako, ha?" He was about to leave when I cleared my throat and averted my gaze.

"Joke 'yun." I almost whispered.

"J-Joke? Ang alin?"

Mukha bang hindi ako marunong magbiro? Seryoso ba ako lagi sa paningin niya?

"You can join me." Paglilinaw ko at nagpatuloy na sa pag-kain.

"Ah, thanks. Akala ko kung anong joke, e." He chuckled awkwardly.

Walang nagsalita sa aming dalawa. Hindi naman ako nakakaramdam ng kahit anong ilang kahit na kanina pa kami pinagtitinginan ng mga estudyante. Naiintindihan ko sila, isang malaking karangalan ang makasabay sa pag-kain si Cloud. Bukod sa Council President siya, gwapo rin siya at matalino. Parehas din kaming nursing ang course.

Hindi ko alam kung paano niya napagsasabay ang responsibilities niya as a president, responsibilities sa Fuentablo Hospital dahil nagdu-duty roon ang mga nasa third year at fourth year, responsibilities sa pag-aaral at panghaharot sa akin.

Don't get me wrong but that's how I see it. Base sa mga ipinapakita niyang actions sa akin, I couldn't help but doubt his motive.

"May dumi ba ako sa mukha?"

Umiling ako sa naging tanong niya. Hindi ko napansing kanina ko pa pala siya tinititigan.

"Wala sa mukha mo, nasa paligid." Sagot ko na parang wala lang. Sinadya kong iparinig 'yun sa mga nakatingin sa amin. "Can you tell the school workers to clean properly? Ang daming natitira, e."

"Yes, no problem. I'll make it clear for them."

Hindi ko alam kung na-gets niya ba ang ibig kong sabihin pero wala na akong pake roon. Makita ko lang na naiinis ang mga bitch kong schoolmates sa akin ay parang ako na ang nanalo.

*****

Uwian na at kanina pa ako nag-aabang dito sa labas ng university. Hinihintay kong lumabas si Sirius sa gate. Nakakainis lang dahil hindi niya ako nirereplyan. Alas-kwatro na at mag-iisang oras na akong nandito sa loob ng kotse. Kasabay ng pag-ubos ng mga estudyanteng lumalabas ay ang pag-ubos din ng pasensiya ko.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now