CHAPTER 32: REVENGE

12 6 0
                                    


Luna's POV

Expensive white flowy dress na hanggang tuhod ko ang haba. A medium-sized white ribbon clip on my top-left head complemented with a pair of white feather earings. Last is my mini white bag na phone at credit card lang ang laman.

Tumitig ako sa salamin at parang model na umikot. This all white thingy really suits me.

I remember Vice President Hwang when she told me na masyado raw akong maluho at gastador. Palibhasa ay wala sa bokubularyo niya ang salitang fashion.

"Ingat ka."

I twitched nang bigla kong maramdaman ang mainit na hininga ni Hiro sa tenga ko.

"Para kang multo, tss." Inis kong singhal.

He chuckled as he kissed the back of my ear. I tilted my head and looked sideways to stop him.

"Quit it. I have to go." I whispered.

Tulog pa kasi si Sirius sa kama, mabuti na lang ay nakatalikod ang pwesto niya sa amin ni Hiro. Hindi niya pa naman alam na nag-uusap na kami ulit ng guardian angel ko. Ang alam nila ni Appa ay nilayuan ko na si Hiro. Well, hindi pa sila updated.

"Susubukan pa rin kitang sundan." Nakangiti pero kita ang lungkot sa mga mata niya.

"Ikaw bahala." Sagot ko atsaka siya mabilis na hinalikan sa labi.

I know, hindi niya in-expect 'yon kaya natigilan siya saglit. Mahina akong tumawa at lumabas na ng pinto.

Pababa na ako ng hagdan nang makasalubong ko si Appa. Nag-bow ako sa kaniya na minsan ko lang gawin.

"Joeun achimieyo, President Hwang."

Bakas sa mukha niya ang pagtataka kung bakit hindi ko siya tinawag sa pang-amang paraan. Sandali siyang napailing at unti-unting napangiti.

"Eodiga?" Where are you going?

"Church." Tipid kong sagot.

"Jinjja? Dapat ay sinabihan mo kami ni Sirius kagabi para sabay-sabay tayong magsimba ngayon. Hindi na natin 'yun nagagawa e."

"Aniyo, kasama ko ang mga kaibigan ko."

Bahagyang sumalubong ang kilay niya.

"Chingu?" Friends?

"Ne. Cloud Rosales and Kang Minkyu."

"If that so, next time na lang pala... Anyway, magdala ka ng payong at umuulan."

"Oh shoot, oo nga pala."

"Kaniya-kaniya ba kayo ng kotse?"

I shook my head.

"Kotse ni Minkyu ang gagamitin namin. Isa-isa niya kaming susunduin."

"Basta mag-ingat kayo, madulas ang kalsada."

"Ne."

Naglakad na ako pabalik sa kwarto para kumuha ng payong nang tawagin ako ulit ni Appa.

Tinaasan ko siya ng dalawang kilay.

"Mag-usap tayo pag-uwi mo..."

Kahit nagtataka ay ilang akong tumango at pilit na ngumiti.

Tinalikuran ko na siya at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko ang kulay puti kong payong sa gilid. Sinulyapan ko saglit ang kabuuan ng kwarto pero si Sirius na lamang ang nandoon.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now