CHAPTER 28: BESTFRIEND

16 6 0
                                    


Luna's POV

SUNDAY. Nine o'clock in the morning.

Napako sa wall clock ang mga mata ko.

"Good morning!" Inaantok kong tinignan kung sino ang nagsalita.

"Mm, morning." Bati ko kay Hiro at nagtalukbong ng kumot. Pumikit ulit ako at natulog.

"Still sleepy?" Rinig kong tanong niya.

Tumango ako kahit alam kong hindi niya makikita.

"Wake up." He demanded with his low and husky voice.

I hissed.

Nagtanong pa, papabangunin din naman pala ako.

"Kanina pa may nagt-text sa'yo." Sambit niya.

Inilabas ko ang kamay ko at nilahad sa harapan niya. Nakaupo siya sa sofa sa gilid ng kama ko kanina.

"Hand me my phone then." Utos ko rin sa kaniya.

"Babasahin ko na lang para sayo." He said.

I smiled, "Better."

Nakapikit pa rin ako at hinihintay na basahin niya ang mga text na nasa phone ko.

"Password."

Napatikhim ako.

"Your name, tap once each letter on the number." I instructed.

"Why my name?" Takha niyang tanong.

"You don't like the idea? Alright, I'll change it later." Walang emosyon kong sabi.

"Just kidding." Aniya at naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.

Nahiga siya sa kama at niyakap ako mula sa likod. Nakatalukbong pa rin ako sa kumot kaya hindi nagdidikit ang mga balat namin.

"I'm not a shitty kid, Hiro." Malamig kong sabi.

"Don't curse, tss."

I smiled again.

"Yeah right, I almost forgot you're a fckin' angel." I said in a matter of fact tone.

"Don't curse, Luna."

I chuckled.

"Don't be so damn serious, sheep." Banat ko pa.

"Ya! I said don't curse!" Inis niyang sigaw at naramdaman ko ang ulo niya sa balikat ko.

"Pfft, pikon."

Kung nakikita ko lang siya, siguro naka-pout siya or nakasimangot.

Bakit ba? Experience din 'to 'no, ang magmura habang may kausap na anghel.

"Nabuksan ko na."

Hinanda ko na ang tenga ko para makinig sa kaniya. Pinagdikit niya ang mga pisngi namin kahit pa nasa ilalim ako ng kumot. Tinandayan pa nga ako e, tibay.

"From Minkyu, Good morning Luna! Remember our deal yesterday? 5:03 am."

Ang aga naman ng text na 'yan. Inaantok pa nga ang diwa ko hanggang ngayon e.

"From Minkyu—again, Hey! Still sleeping? 5:24 am."

Stupid, Minkyu. Anong klaseng message 'yan? Magtatanong kung tulog? Psh.

"From Minkyu—again?! Bakit ba text nang text 'to sayo?" Medyo malakas ang boses ni Hiro at kahit nakatalukbong ako ng kumot ay narindi ako sa kaniya.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now