CHAPTER 20

13 7 0
                                    

20: Jerson, The Guard

Luna's POV

Walang buhay akong bumangon nang tumunog ang bwisit kong alarm clock. Pumasok ako sa banyo para maligo pagkatapos ay nagbihis ng pang-jogging.

5 AM pa lang kaya makakapanood pa ako ng sunrise. Sana lang ay may makita akong magandang spot para tambayan-kasi kung hindi, baka mas lalo lang akong mabadtrip.

I'm not that stupid to not know why.

This is all because of Hiro. He just left last night as if nothing had happened to us at the clinic. He then treated me coldly as well. He seems to have only come to hear what I had found out. He also can't look me in the eyes. It upsets me to no end.

Did he end up regretting what he did? Did he really hate that kiss? But he did quite well, he was pretty good at it... Anyways, nobody told him to kiss me! It was his decision! So he has no reason to be cold towards me!

Pabagsak akong naupo sa harapan ng dressing table at itinago na ulit sa drawer ang kwintas ko. Pahirapan pa ako sa pagtanggal nito kagabi. Umalis kasi agad siya, magpapatulong pa nga sana ako.

Aish! Nakakainis talaga.

I put my phone in my pocket and hung the headphones around my neck. I went down to the kitchen to get some milk since I was out of it in my room. Hindi pa ako ulit nakakapag-grocery.

"Young Lady?"

Napalingon ako nang may magsalita. Iyong nanay lang pala ni Faith.

"Morning." I greeted her. Even though I want to make it sound nice, wala talaga ako sa mood ngayon.

"Good morning din po. Gusto ko po sana kayong makausap." She tried not to stutter.

Ilang linggo ko rin siyang hindi nakita. Hindi kasi siya palapunta rito sa kusina at sala, mas lalo na sa second floor.

"Ano po ba 'yon?" Magalang kong tanong habang ngumunguya ng tinapay.

I know I still struggle with using 'po' and 'opo,' so I may come off as rude, but there's always room for improvement. Masasanay rin ako.

"Tungkol po sana sa anak kong si Faith."

Hindi ko napigilang mapairap sa hangin.

"Ano pong meron sa kaniya?"

"Gusto ko pong humingi ng tawad dahil sa ginawa ng anak ko. Ako na po ang humihingi ng pasensiya. Pinagsabihan ko na po siya. Nangako siya sa akin na hindi na mauulit ang nangyari."

Ibinalik ko muna sa ref ang kahon ng gatas bago sumagot, "We must all let the past be the past and move on."

"Sana po ay mapatawad niyo na siya." She even bowed down kaya napabuntong hininga na lang ako.

She's too nice to be Faith's mother.

"I will disregard everything she did as long as she knows when to shut up and when to stop stepping over the boundary. Mauna na po ako." Paalam ko atsaka lumabas ng mansion para mag-joggibg.

In order to avoid thinking about Hiro, I put on my headphones and turned on some music.

I jogged for almost half an hour. Nang makarating ako sa park ay naghanap agad ako ng bench para makaupo at makapagpahinga.

Unfortunately, wala akong nadalang tubig. I took out my phone and looked at the time. It's already 5:49 AM. I wiped away my sweat and reclined in the chair. Light and darkness were competing in the sky as I looked up.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now