CHAPTER 24: DONE

13 6 0
                                    


Luna's POV

FRIDAY. Hanggang ngayon wala pa rin ako sa mood. Ni hindi ko nagawang ngumiti sa loob ng mga nagdaang araw. Pati si Appa at iba pang tao sa bahay ay iniiwasan ko, maski si Sirius kahit pa sabay kaming pumapasok ng school.

Tanging si Cloud nga lang ang nakakatagal sa ugali ko. Kahit hindi ko pa siya pinapansin ay hindi siya tumitigil sa pagkukwento at pagpapatawa, well hindi naman ako natatawa. Ang korni niya kaya, tss.

Hindi na rin ako nagulat nang may lumabas na article tungkol sa aming dalawa sa IG kahapon. Picture 'yon habang sabay kaming kumakain sa cafeteria. Like wtf, kitang kita sa picture na wala ako sa mood at hindi ngumingiti tapos ang nakalagay pa ay gustong gusto ko raw si Cloud?

Mamatay na talaga may-ari ng account na 'yon. Hindi marunong pumili ng magandang content, yung kapani-paniwala man lang sana! Psh, nakakabadtrip din yun e.

"Hi, Luna!"

Inalis ko sa labas ng bintana ang aking paningin at bumaling sa bumati sa akin.

Siya yung may gusto kay Cloud na nakaupo sa harapan ko.

"Don't you really like Cloud?" She asked. Again.

Kahapon niya pa tinatanong sa akin yan pagkatapos lumabas ng letseng article.

If I know, kating kati na siyang sabunutan ako.

Walang emosyon ko siyang tinignan sa mga mata, "Isaksak mo pa siya sa baga mo, wala akong pake."

Pagkatapos ay ibinalik ko na sa punong nasa labas ang aking paningin.

"Wala ka talagang kwenta. Akala ko matalino ka? Bakit ang stupid mo kausap?"

Kumunot ang noo ko.

"Don't tell me you didn't get my point." Inis kong tanong nang tignan ko ulit siya.

Sobrang sama na ng mukha niya, psh.

"Ang sabi ko naman kasi sayo, aminin mo na sa mismong mukha niya na gusto mo siya. Hindi na ako ang paulit-ulit mong inaabala." Mahinahon kong wika pero mas lalong sumama ang mukha niya.

Ano ba yan, nakakasura. Mas lalo siyang pumapanget sa paningin ko!

"Inaabala? Naabala pala kita sa simpleng pagtatanong ko?"

Ibang klase rin talaga ang utak nito ba. Wala ata sa ayos ang amygdala ng babaeng 'to e.

"Simpleng pagtatanong ba ang sunod-sunod at oras-oras? Pasalamat ka nga at naatim kitang sagutin kahapon e. PERO KAHAPON YUN!"

Hindi siya nakasagot. Naagaw na tuloy namin ang atensyon ng iba.

Letse.

"Oh my ghad."
"Grabe naman siya."
"Pinaiyak niya si Ylah, tss."
"Ang sama ng ugali niya."

Sino bang tinutukoy nila?

Otomatiko akong napatingin sa nasa harap ko. Nakahilig ang ulo niya sa sariling mesa at tila humihikbi.

Ang lakas mo umattitude sa harap ko, iyakin ka naman pala.

"Stupid." Naibulong ko na lang at nakipagtitigan na ulit sa punong nasa labas.






LUNCH. Ang pinakahihintay kong oras.

Naglakad na ako papuntang canteen at nakapagtatakang wala man lang Cloud na lumitaw. Absent ba siya? Psh. Wala naman siyang sinabi.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now