CHAPTER 45: NEW START

25 6 0
                                    


Luna's POV

"AYOKO NGA!" Matigas kong tanggi kasabay nang pagdadabog ko patungong veranda.

"Luna naman! Halos apat na buwan ka nang sinusuyo ni Minkyu, galit ka pa rin ba sa kaniya?" Nanatiling mahinahon ang boses ni Cloud sa kabilang linya.

"Hindi ako galit, okay? Mas gusto ko lang talagang mag-stay dito sa mansion. May TV kami rito, hindi ko kailangang pumunta sa iba pang bahay para mag-movie marathon." I reasoned out.

"Reason mo bulok. Halatang ayaw mong pumunta sa bahay ni Minkyu, e. Oh sige, anong gusto mo? Dito sa bahay ko pero aayain ko si Minkyu o diyan sa mansion niyo pero kasama pa rin si Minkyu? You choose." And I heard him chuckle.

Napangiwi na lang ako.

"Pinapili mo pa 'ko, letse ka."

Mas lalong lumakas ang tawa niya kaya napairap na lang ako sa hangin.

"Ang tagal na, Luna..." Aniya at bahagyang kumalma. "Wala ka pa rin bang balak bumalik sa dati? I mean, 'yong pagkakaibigan niyo ni Minkyu. Kapag kasama kasi natin siya, lagi kang walang imik o di kaya ay sarcastic ka makipag-usap sa kaniya. Lagi mo pang tinatarayan at binabara." Litanya niya.

"You're asking me that? Guess what, I also don't know why. Basta hangga't maaari, ayoko siyang makausap o makita. Gets?"

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"You know what, Luna... ang bulok mo talaga magrason. On the way na ko, say no and you're dead."

"What?!—YAH!" Biglang naputol ang linya or should I say, binabaan niya agad ako.

Letse ka talaga, Cloud.

"Hiro..." Naiusal ko na lamang habang nakatingala sa maaliwalas na langit. "Sabihin mo lang kung gusto mo nang makasama ang kakambal mo, ako mismo ang tatapos sa kaniya." Biro ko at pumasok na sa loob para maghanap ng susuotin.

Ano bang magandang outfit kapag magm-movie marathon?

Wait—what?! Bakit naman ako magpapaganda, tsk. Para kay Minkyu? No way.

Tss, ano ba 'tong iniisip ko. Mababaliw na ata ako.






"Eodiga?" Tanong sa akin ni Sirius nang magkasalubong kami sa pasilyo ng pangalawang palapag.

"Kila Minkyu, movie marathon." Sagot ko habang inaayos ang kulay puting clip na nasa gilid ng aking ulo.

"Movie marathon? Kila Minkyu-hyung?" Lumapit siya sa akin at siya mismo ang nag-ayos ng clip ko.

"Oo nga, paulit-ulit?" Pigil ang tawa kong sabi at pinisil ang pisngi niya

"Noonaaaa!" Reklamo niya kaya ginulo ko na lamang ang buhok niya. "May schedule kasi kami ng gala ngayon." Aniya kaya bahagyang kumunot ang noo ko.

"Kasama ba sila Dawn?"

Tumango siya agad.

"Mag-ingat kayo. Lagot sa 'kin 'yang mga kaibigan mo kapag napahamak ka." Natawa siya sa ibinilin ko.

"Ikaw ang mag-ingat, Noona. Baka pag-uwi mo, may boyfriend ka na." Nakangisi niyang sabi.

"Tss, wala akong panahon para sa lovelife. Pag-aaral ang priority ko ngayon."

"E paano 'yan? Christmas break ngayon... walang pasok."

Sinamaan ko siya ng tingin kaya mabilis siyang nag peace sign at tumawa.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now