CHAPTER 38: SORRY

16 6 0
                                    


Luna's POV

FRIDAY. 7:08 am.

"Pakshet."

Nalate ako ng gising!

"Good morning."

Natigil ako sa pagkilos nang marinig ang isang pamilyar na boses.

"Hiro?"

May pumulupot na dalawang kamay sa tiyan ko at binalot ng mainit na hininga ang tenga ko.

"I miss you..." He whispered.

"Para kang multo." Malamig kong sambit at malakas siyang siniko.

"AH!" Napadaing naman siya sa sakit at napabitaw sa akin.

"Magtapat ka nga sakin, sino ang unang babae sa buhay mo?!" Galit kong sigaw.

Nanatili naman siyang nakabaluktot sa kama ko. Parang napalakas ata ang pagsiko ko sa kaniya.

"H-Hoy! Sumagot ka!"

"Bakit mo naman ako siniko, Luna?" Namimilipit niyang wika.

"Sagutin mo muna ako!"

"Hoy Luna, mukha ba akong babaero?!"

"Wala akong sinabing babaero ka! Ang tanong ko ang sagutin mo!"

"Wala! Ikaw lang! Masaya ka na?"

"Tss..." Napasinghal na lang ako atsaka siya nilapitan. "Patingin nga! Sabi na kasing para kang multo kapag niyayakap mo ko bigla e!" Sermon ko sa kaniya at tinulak siya patalikod sa akin.

Itinaas ko ang damit niya at—

"Minamanyak mo ba ako?"

"Mukha mo! Bahala ka nga diyan!" At tinulak ko siya nang malakas dahilan para mahulog siya sa kama ko.

"AH!" Daing niya na naman pero hindi ko na siya pinansin.

Pumasok na ako sa banyo para magmorning ritual. Since late na rin naman ako nagising, hindi na ako papasok. Didiretso na ako sa hospital para bantayan ulit si Sirius.

Nang matapos ay lumabas na agad ako para tignan kung ayos lang ba si Hiro pero wala na siya. Wala na ulit siya.

Hindi ko alam pero ang lumalabas kasi ay susulpot lang siya kung kailan niya gusto at mawawala kung kailan niya trip. Tinatawag ko naman siya pero hindi na siya nagpapakita sa akin. Paulit-ulit na ganito.

Nakakapagod...

Lagi na lang ba akong maghihintay sa kaniya?


FLASHBACK

"Alam mo kung ano yung sinasabi niya sa akin bago siya tumalon?"

Hindi ko siya sinagot.

"Ate... gusto kong sumama sa kaniya... hindi ko siya kayang mawala... kaya susundan ko siya... susundan ko si Hiro..."

END OF FLASHBACK


Tss, ako lang ba talaga?

Kung ganun, sinong Hiro ang tinutukoy ni Dianna Dela Torre?

Kapag nalaman ko lang talaga na ang Hiro ko ang tinutukoy niya... hindi ako magdadalawang isip na i-double dead siya.

Nagmaneho na ako papuntang hospital nang mapadaan ako sa SuperM. Bigla ko tuloy naalala si Haylee. Ang lintek na Haylee na 'yon. Kamusta na kaya siya sa kulungan?

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now