CHAPTER 39: LONGING

19 5 0
                                    


Luna's POV

"K-kumain ka na... po ba?" Wala sa sarili kong tanong sa kaniya.

Ano ba 'yan! Parang tanga, Luna! Anong klaseng tanong 'yon?!

Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kaniyang labi... para akong nakatingin sa old self ko.

"Manlilibre ka ba?"

Tinakpan ko ang aking bibig. Hindi ako makapaniwalang nakakausap ko na siya ngayon. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito ngayong araw. Nag-uumapaw ang halo-halo kong nararamdaman. Parang maiiyak ako nang wala sa oras.

"Ayos ka lang?" Nakangiti niya pa ring tanong at otomatiko akong napatango.

Ibinaba ko ang aking kamay at lumunok.

"O-Opo... i-ililibre ko po k-kayo..." Uutal-utal kong sagot.

Mahina siyang tumawa at aaminin kong parang musika sa tenga ko ang kaniyang boses.

"M-marami po akong gustong itanong sa inyo..." Dagdag ko pa at talagang pinigilan kong lamunin ng hiya ngayon sa harap niya.

"Sakto at ginaganahan akong sumagot kapag may kaharap na pagkain." Hindi ko alam kung joke ba 'yon or seryoso siya pero wala na kong pake. Ang importante ay magkakausap na kami.

"S-Sige... t-tara—"

"LUNA!"

Sabay kaming napalingon sa sumigaw.

Hinihingal siyang tumigil sa pagtakbo nang makalapit siya sa akin.

"Saan ka pupunta?" Aniya habang nakahawak pa sa kaniyang tuhod.

"M-Mag-uusap lang kami." Turo ko kay Sol.

"S-Sino siya? Siya ba ang Sol na tinutukoy mo kanina?" Sunod-sunod niyang tanong at tumayo nang maayos habang nakapamewang at habol pa rin ang hininga.

"S-Siya nga... siya ang n-nanay ko."

Halata ang gulat at pagtataka sa mukha ni Minkyu.

"A-Anong ibig mong sabihin? Hindi ka anak ni Vice President Hwang?"

Pumikit ako at tumango.

"Anak ako... sa l-labas."

Siya naman ang hindi nakasagot.

"Sorry kung ngayon ko lang sinabi..." Nakayukong sabi ko.

"A-Ani... gwaenchanna... mukhang kailangan niyo ngang mag-usap..." Tinignan niya si Sol na nasa tabi ko. "G-Good morning po, T-Tita." Nahihiya niyang bati.

"Magandang umaga rin iho." Nakangiting bati naman sa kaniya ni Sol.

"A-Ako po si Minkyu... Kang Minkyu... kaibigan niya po ako." Pagpapakilala niya pa.

"Ako naman si Sol."

Nanlaki ang mga mata ko nang ilahad ni Minkyu ang kamay niya para makipagshakehands. Tinanggap naman iyon ni Sol.

Anak ng—naunahan pa ako. Ako ngang anak ay hindi pa siya nahahawakan, tss.

"Pwede ka nang umuwi, itetext ko si Beatrice na siya na lang ang magbantay kay Sirius." Putol ko sa titigan nilang dalawa.

"Sigurado ka? Balak pa naman kitang hintayin makabalik."

"A-Ah..." Nahihiya akong sumulyap saglit kay Sol at nilapitan ko si Minkyu. "Ano bang pinagsasabi mo, baka kung anong isipin sa atin ng n-nanay ko." Bulong ko sa kaniya.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now