CHAPTER 40: RECOVERY

18 7 0
                                    


Luna's POV

SATURDAY. 8:07 am.

"Agassi, gwaenchanna?"

Nabalik sa reyalidad ang isip ko nang tawagin ako ni Beatrice. Tumango naman ako at pilit na ngumiti.

"Limang minuto mo na kasing tinititigan 'yang pancake sa tinidor mo. Konti na lang ay lalangawin na. May problema ka ba?"

Umiling ako at sinubo na lang iyon. Hindi ko inakalang mags-space out ako nang ganoon katagal... sa harap pa ng pinakamamahal kong pancake.

Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang sinabi sa akin ng matandang pari kahapon.

"Palayain ang hindi pwedeng manatili, putulin ang nakadugtong na tali, sa ganung paraan ay iyong maiisip, na para ito sa kaniyang ikabubuti."

Ibig niya bang sabihin ay palayain ko na si Hiro? Dahil sa buhay ko, siya lang naman ang alam kong hindi pwedeng manatali... alam kong aalis siya... at maiiwan ako.

"Narinig ko nga palang nag-uusap si Vice President at Chairman Hwang kahapon... sabi ng Imo Sohye mo, dadalhin niya na raw pabalik sa Korea si Sirius pag nagising na ito."

"Iyon ay kung papayag si Sirius na umuwi sa Incheon." Sabi ko na lang.

"Malakas ang kutob ko na hindi papayag si Sirius kasi marami na siyang kaibigan dito. Kaysa sa Incheon na puro body guards ang nakapaligid sa kaniya."

"Nasaan nga ba sila? Akala ko ba ay ala-syete sila babalik dito?" Pag-iiba ko ng usapan.

Kagabi kasi ay umuwi silang tatlo sa mansion at ako at si Beatrice naman ang naiwan dito sa hospital para bantayan si Sirius. Ang sabi ni Appa ay babalik sila ng ala-syete pero hanggang ngayon ay wala pa rin sila.

Lumipas ang oras at alas-onse na. Magtatanghali na pero wala pa rin sila. Tinext ko na si Appa pero hindi ito nagreply. Pati mga tawag ko ay nirereject niya. Like wtf, seriously? Ano bang ginagawa nila sa mansion?

Bakit hindi na lang nila sabihin sa akin para hindi ako nag-aalala ng ganito?! Letse.

"Baka may inasikaso lang, Agassi. Hayaan mo na sila, matatanda na ang mga 'yun."

Napabuntong hininga na lang ako.

"Gusto ko nang kumain."

"Ako na ang bibili." Aniya at tumayo. Binigyan ko naman siya ng isang libo pambili.

"Beatrice." Tawag ko sa kaniya bago pa siya makapaglakad palabas. Nilingon niya naman ako at pinanlakihan ng mata. "Gomawo."

Unti-unti naman siyang ngumiti.

"You're always welcome, Agassi."

At tuluyan na siyang lumisan na sakto namang pagpasok ni Minkyu. Nag-usap pa sila saglit atsaka ito pumasok.

"Anong pinag-usapan niyo?" Taas ang kilay kong tanong.

"Kung single ba siya or taken."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What a jerk." I almost whispered and rolled my eyes. "My secretary is not available, Minkyu. Don't you dare mess with her." I warned him.

"Hindi ka rin naman available." Bulong niya kaya mas sinamaan ko siya ng tingin. "Joke, ang seryoso mo naman kasi. Aga-aga, ang taray mo. Tinanong niya lang ako kung bakit ako nandito nang ganitong oras. Masyado kang selosa."

"Anong selosa?! Ipakain ko kaya 'tong phone ko sayo?!"

"Pagbibigyan kita tumanggi, wala namang bayad e."

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now