CHAPTER 41: ACCEPTANCE

15 6 0
                                    


Sirius' POV

"Tss... Buti natagalan mo." Nakataas ang kilay na sabi ni Gab.

"Gutom na gutom ka siguro." Dagdag ni Kara, ang cute at malambing kong kaibigan.

"Masakit ba ang likod mo? Ilang araw ka kayang nakahiga." Tanong sa akin ni Dawn.

"Oo nga, limang araw amputs. Ang tibay mo rin e 'no." Si Yvez.

"Kung hindi ka lang namin kaibigan, hindi namin sasakyan ang trip mo." Seryosong sabi naman ni Sandro.

"Aamin naman talaga ako kanina kaso nag-walk out si Eomma kaya hindi ko na muna tinuloy." Bulong ko sa kanilang lima.

Nasa mini living room lang kasi sina Appa at Chairman at seryosong nag-uusap.

"I can't believe this. Ibang klase 'tong prank mo, Sirius." Mariin ding bulong sa akin ni Gab.

"Kaya nga e. Parang kinabahan tuloy ako bigla." Nakasimangot na sambit ni Kara.

"Bakit naman, K?" Dawn asked.

"I can't explain. Basta."

"Imagine, bro. Hindi ka naman talaga na-comatose. Dinaig mo pa napukpok ng kahoy sa ulo sa tagal mong magising. Limang araw 'yon! Kumakain at bumabangon ka lang kapag tulog ang lahat ng kasama mo rito o chinecheck ka ni Doc. Gil. Kakaiba ka!" Ani Yvez. Di ko mawari kung naiinis ba siya o natatawa.

"Totoong isang araw kalahati ako walang malay, okay? Tatlong araw kalahati naman ako nagpanggap." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Bakit ba ang tagal mo naisipang gumising ha?" Kompronta na sa akin ni Sandro.

"Para mas gumana 'yung plano ko..."

"You're really nonsense." Umiiling-iling na sabi ni Gab.

"Bakit ba? Ang mahalaga gumising na ako at walang nangyaring masama sa akin." Nakabusangot kong wika.

"Kinuntsaba mo pa nga si Dawn at Doc. Gil. Dami mong alam." Mahinang usal ni Sandro.

"Pagbalik naman nilang lahat ay aamin na ako. Nag-walk out pa kasi si Eomma. Sayang 'yong chance ko kanina."

"Bakit hindi ka na lang umamin muna sa Daddy at Lolo mo?" Suhestiyon ni Kara.

"Gusto ko kasi sabay-sabay nilang malaman."

"Masama kasi talaga ang kutob ko e."

"Bakit ba ganiyan ang nararamdaman mo?"

"I don't know."

"I think I saw your mom before I went here." Biglang sabat ni Gab.

"Saan naman?"

"Naglalakad siya habang umiinom ng alak, sigurado akong alak 'yon dahil meron kaming ganun sa bahay. Akala ko nga namamalikmata lang ako dahil... duh... si Vice President Hwang? Iinom habang naglalakad? Pagewang-gewang pa. Parang hindi naman—"

"WHAT?!"

"Sirius, why are you shouting?"

"Where's my phone?" Tanong ko at hinanap iyon sa side table.

"Nasa akin, anak." Sagot ni Appa.

"Give me my phone."

"Wait—here." Lumapit siya sa amin at inabot sa akin iyon.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now